^

Pang Movies

Muslim Magnum nganga sa awards at takilya: ER masamang-masama ang loob sa MMFF!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - The Freeman

Hindi maipagkakaila na sumama nang labis ang loob ni dating gobernador na si ER Ejercito dahil kahit isa man lang ay hindi nanalo ang kanyang entry na Muslim Magnum .357 gayung maganda naman at maaksyon ang pelikula.

Ni hindi man lang daw ito nanalo ng Best float during the Parade of Stars kahit bonggang-bongga ang disenyo nito. May mga nagsasabing deserving na makakuha kahit isa man lang ng award ang pelikula. Gayunpaman, mahal pa rin nito ang movie industry at ‘di titigil sa paggawa ng pelikula.

Maaasahan na rin sa aksyon ang anak niyang si Jericho Ejercito at puwede na itong pakawalan para maging action star. Bata pa ito at maliksing kumilos at may ibubuga rin sa pag-arte.

Jean susubuking buuin muli ang isang pamilya

Tamang-tama ang Love Hotline ngayong Biyernes dahil iikot ang kuwento tungkol sa tanong na kung mapapatawad mo ba ang asawa’t kapatid mo na nagtaksil sa iyo.

Nahuli ni Hasmin Echaluce ang kanyang asawang si Rodel at ate na si Jennifer sa akto kung saan may lihim pala silang relasyon. Kinupkop si Jennifer ng kanyang kapatid matapos itong makipaghiwalay sa kinakasama.

Ilang buwan ang nakalipas ay humingi ng tawad si Jennifer at muling lumapit si Rodel para mabuong muli ang kanilang pamilya.

Aayusin ang problema nila nina Jean Garcia at love expert Sheila Tan sa Love Hotline ngayong Biyernes 4:45 p.m. sa GMA Network.

Bea at Jake dumating na ang big break

Maganda ang pasok ng 2015 kina Bea Binene at Jake Vargas dahil bida na sila sa pelikulang Liwanag sa Dilim, isang suspense thriller movie. Makakasama nila rito sina Sunshine Cruz at Sarah Lahbati sa direksyon ni Richard Somes.

Marami na ring hukbo ng tagahanga ang dalawa kaya sana suportahan ng mga ito ang kanilang movie.

Sheryl tapos na ang paghihiganti kay Sunshine!

Matatapos na ngayong Biyernes ang Strawberry Lane at magwawakas na rin ang paghihiganti ni Sheryl Cruz sa kapatid na si Sunshine Dizon. Pagpapatunay lang ito na sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay ay pamilya pa rin ang mangingibabaw at naroon lagi ang pagpapatawaran at pagmamahalan.

BEA BINENE

BIYERNES

HASMIN ECHALUCE

JAKE VARGAS

JEAN GARCIA

JENNIFER

JERICHO EJERCITO

LOVE HOTLINE

MUSLIM MAGNUM

PARADE OF STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with