^

PSN Opinyon

Ang paglakas muli ng Japan

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Freeman

KUNG may mga kilos para baguhin ang Saligang Batas para mapalitan ang uri ng pamamahala ng bansa, may mga similar na kilos din pala sa Japan na palitan na ang kanilang Saligang Batas, para mas mabigyan ang maunlad na bansa ng kalayaan para palakasin nang husto ang kanilang militar, at maging isang superpower na rin katulad ng Amerika, UK at Russia. Nang matapos ang World War II kung saan nabigo ang Japan para maging dominanteng bansa sa Asya, binago ng Amerika ang kanilang Saligang Batas at ipinagbawal na palakasin nang husto ang kanilang militar. Ang puwede lamang na mga armas at sandata ay yung sapat na pang depensa ng kanilang bansa at teritoryo lamang. Sumunod naman ang Japan sa Saligang Batas na ito, at nabuhay nang mapayapa mula nang matapos ang digmaan. Naging isa sa pinaka-maunlad na bansa.

Pero may mambabatas na gusto nang baguhin ang Saligang Batas, para mas mapalakas pa ang kanilang mga puwersa. Naghango ito ng mga iba’t ibang reaksyon, lalo na mula sa mga bansa na sinakop ng Japan noong 1941 hanggang 1945, kasama na ang Pilipinas. May mga nagsabi na baka kung payagan silang pala­kasin nang husto ang kanilang militar, baka kung ano na naman ang maisip! Pero dahil may isang higanteng bansa na nagmamaton na sa rehiyon, at inaangkin na lamang nang wala nang konsultasyon sa mga ibang bansa ang mga nasabing teritoryo, bukod pa sa pagiging arogante ng kanilang militar dahil mga mahihina lang naman ang katunggaling bansa, kailangan ng panabla sa rehiyon sa maton na ito.

Kaya sang-ayon si DFA Sec. Albert Del Rosario na baguhin ng Japan ang kanilang Saligang Batas, at magpalakas muli ng kanilang militar. Hindi siya naniniwala, at marami rin ang sang-ayon, na gagamitin ng Japan ang lakas-militar na ito sa paraan na ginagawa ng China, kundi para magkaroon ng balanse at kapayapaan sa rehiyon. Kung baga, para may resbak ang mga maliliit na bansa! Mabuti na ang isang malakas na Japan, na may pagtatalo rin sa China para sa ilang isla sa karagatan, para mabawasan ang yabang at angas ng higanteng bansa. Ang Japan at Russia ay mga bansang may pagtatalo rin sa China kaugnay ang teritoryo, pero tila hindi binabangga ng China dahil alam na malakas sila’t papalag nang husto sa kanilang mga paninindak! Tunay na maton, kung saan mga mahihina at maliliit lang ang kayang sindakin!

ALBERT DEL ROSARIO

AMERIKA

ANG JAPAN

BANSA

JAPAN

KANILANG

NANG

PARA

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with