K-12 grads gawing COVID contact tracers
MANILA, Philippines — Iginiit ni Sen. Win Gatchalian sa gobyerno na sanayin at kunin na contact tracers ang mga K to 12 graduates para sa paglaban sa COVID-19.
Iginiit ni Gatchalian, na mas mapapabilis ang pag- isolate sa mga carrier ng virus lalo na ngayong lumuwag ang lockdown kung kukunin ang mga bagong graduates ng K to 12 bilang contact tracers.
Bukod dito, magiging oportunidad din umano ito para magkaroon na sila ng mga trabaho.
Matatandaan na noong Mayo, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na nangangailangan sila ng 94,000 contact tracers para matugunan ang ideal ratio na isa kada 800 tao.
Bagama’t nire-require ng DOH na ang contact tracer ay dapat graduate ng isang katulad na medical course, umapela naman si Gatchalian na maging flexible para i-accommodate ang K12 graduates at tularan ang Estados Unidos na ang mga contact tracers ay hindi naman college degree holders.
Sa ganitong paraan umano ay mabibigyan na ng trabaho ang mga kabataan na vulnerable ngayon at mapipigilan na rin ang pagkalat ng virus sa bansa.
- Latest