Philippine - China ties ‘di magbabago - Malacañang
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na walang magbabago sa bilateral relations ng Pilipinas at ng China kahit pa iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly ang arbitral ruling sa usapin ng South China Sea na pumapabor sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga binanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati ay mga kasalukuyan ng polisiya na hindi naman magbabago lalo na sa pakikipag-ugnayan sa China.
Ayon pa kay Roque, “consistent” ang Pangulo at ipagpapatuloy ang mga bagay na maaaring isulong kabilang ang kalakalan.
Sinabi ni Roque na isasantabi muna ang problema ng territorial dispute na tiyak niyang hindi mareresolba sa ngayon.
“Again, the President has been consistent – we will move on matters that we could move forward on including trade and investments; and we will, for the time being, set this aside because I don’t think the resolution of the territorial dispute is forthcoming in our life time,” ani Roque.
Hayaan na lang muna aniya ang desisyon na hindi na mababago lalo pa’t malinaw ang nakasaad sa international law.
Related video:
- Latest