Cale88: P150 milyon ang benta, 2 lang empleyado

MANILA, Philippines — Lubos umanong ipinagtaka ni Senator-Judge Joel Villanueva kung paano nagawa ng Cale88 Foods Corporation na may dalawang empleyado lamang ay kumita ng P150 mil­yong benta habang nagtala ito ng P6.13 milyong pagkalugi.

Ginawa ni Villanueva ang pagkuwestiyon sa ika-37 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos lumabas sa 2024 Audited Financial Statements (AFS) ng Cale88 na dalawa lamang ang empleyado ng kum­panya sa kabila ng napa­kalaking benta nito.

Base sa 2024 AFS ng Cale88, umabot sa P150,765,259 ang kabuu­ang benta nito, na ang ma­laking bahagi ay tax-exempt o hindi pinapatawan ng buwis.

Pero sa  kabila ng ma­laking benta, nagdeklara ang kumpanya ng P6.13 mil­yong pagkalugi at P11.43 milyong kabuuang gastusin.

Sinabi naman ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Chief of Staff Anne Loraine Garcia-Marquez na isinalang na testigo ng prosekusyon na parang imposible ang nangyaring pagpapatakbo ng gawaan ng banana chips na dalawa lamang ang tauhan.

Idinagdag ni Villa­nueva, dating chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, na kaila­ngang linawin kung paano nakapagsagawa ng ganoon kalaking operasyon ang isang kumpanyang napakaliit ng workforce.

Show comments