^

Police Metro

Grade 10 nagbanta na mamamaril sa mga estudyante

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pang-masa

Klase sa Batangas HS, sinuspinde

MANILA, Philippines — Dahil umano sa ginawang pagbabanta sa online ng isang Grade 10 na mamamaril at mananaksak sa mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 10 dahil sa nararanasang pambu-bully ay agad na sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa Batangas City Integrated High School sa lalawigang ito.

Hindi pa natutukoy ng mga otoridad ang nasa likod ng dummy Facebook account na ginamit sa pagpapakalat ng mga pagbabanta.

Ayon sa Batangas City Police, nadiskubre ng mga opisyal ng paaralan ang mga naturang mensahe sa opisyal na Facebook page ng DepEd Batangas City Integrated High School, alas-9:54 ng gabi nitong Linggo.

“Everyone is advised not to enter or proceed to the school premises while the suspension remains in effect.The safety of everyone remains our highest priority”, pahayag sa abiso ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng nasabing eskuwelahan.

“Ongoing po ang investigation namin. Gusto lang po naming malaman kung sino ang nagmamay-ari ng dummy account na ‘yan. Sa kasalukuyan, wala naman tayong nakitang danger sa school na pinuntahan namin bukod sa naipadalang threat sa Facebook,” ayon kay Lt. Sharen Ama, Public Information Officer ng Batangas City Police Station.

Agad din idineploy, alas-6:00 ng umaga ang SWAT team sa bisinidad ng eskuwelahan na nagbabantay sa lugar bago magpasukan at hanggang sa mag-uwian ang mga estudyante bilang bahagi ng security measures.

Ito ay bunga ng pamamaril ng dalawang menor-de-edad na estud­yante sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22 na kumitil ng buhay ng 3 estudyante habang 20 ang nasugatan.

Matapos ang isinagawang assessment ay idineklara ng Batangas City Integrated School na ligtas ang nasabing eskuwelahan at itinakdang magpatuloy muli ang klase sa Martes.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with