^

Pang Movies

Pandemic, tumatak kay John Arcilla!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pandemic, tumatak kay John Arcilla!
John

Emosyonal si John Arcilla nang balikan ang pagkawala ng ama at dalawang kapatid noong pandemic sa guesting niya sa Kay Susan Tayo! Vlogs.

“Nung pandemic nawala ‘yung tatay ko tapos ‘yung kuya ko, tapos ‘yung bunsong kapatid namin because sa COVID,” kuwento niya.

Pumanaw ang ama niya sa heart failure noong 2020, habang parehong nagpositibo sa COVID-19 sina Emmanuel at Teresa bago pumanaw noong 2021.

Masakit daw para sa award-winning actor dahil nasa lock-in taping siya nang isugod sa ospital ang bunsong kapatid.

“Ako mismo ang kausap sa telepono ng anak niya. Naririnig kong lahat ‘yun, chaos. Sabi ng pamangkin ko, ‘Si mommy, kumaway sa akin nakangiti siya.’ Tapos hindi na siya huminga.”

Bago ang Venice Film Festival, nagka-mild COVID-19 din si John at hindi na umasa noon na manalo para sa On the Job: The Missing 8.

“Gumawa na ako ng speech tapos natulog na ako. Nagising ako, ‘Ting, ting, ting’ ‘yung notifications. Sabi ko, wala namang tatawag sa’yo kung hindi ka nanalo. Surreal. Parang panaginip pero totoo,” sey niya sa pagkapanalo ng Volpi Cup for Best Actor.

Ama ni Miley, nag-propose sa British actress

Level-up na ang relasyon nina Billy Ray Cyrus at Elizabeth Hurley.

Matapos ang mahigit isang taon na relasyon, nag-propose na raw ang ama ni Miley Cyrus sa 61-year-old British actress, ayon sa Page Six.

Mas napansin ito nang mag-post si Elizabeth ng selfie na suot ang malaking diamond ring.

Kamakailan, nag-post din ang 65-year-old Achy Breaky Heart singer ng photo na may ring emoji at caption na: “This is the most fertile solid ground I have stood on in a long time... Kinda has a ring O to it.”

Noong April 2025 lang naging Instagram official ang dalawa nang mag-post sila ng sweet kissing photo.

Kinasal si Hurley noong 2007 sa Indian businessman na si Arun Nayar. Nag-divorce sila in 2011. Former partners niya sina Hugh Grant at Shane Warne.

Si Cyrus ay tatlong beses na kinasal at na-divorce: Cindy Smith (1986-1981); Tish Finley (1993-2023) and Firerose (2023-2024).

JOHN ARCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with