^

Police Metro

Kelot, inaresto sa pagnakaw ng motor ng kapitbahay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na lumayo pa ang isang lalaki na gumawa ng pagnanakaw nang maisipan nitong tangayin ang motorsiklo ng katabi niyang bahay na tinakpan lang niya ng kapote naganap kahapon ng madaling araw sa Amore Subdivision, Brgy. Mulawin, Tanza, Cavite.

Agad na naaresto ang suspek na si alyas “Allan”, 42, construction worker residente ng lugar.

Base sa ulat ng pulisya, ala-1:30 ng madaling araw nang tangayin ng suspek ang motor na Honda Click (286-PGH) ng kapitbahay na si alyas “Aldrin”, 27, na nakaparada sa tapat ng bahay nito.

Hinanap ng biktima sa loob ng kanilang subdivision ang kanyang motor at nagulat ito ng makita sa harap ng bahay ng suspek na kapitbahay niya ang kaniyang motor na nakatakip ng kapote.

Agad niya itong isinumbong sa mga pulis kaya agad itong naaresto. Kinasuhan ang suspek ng carnapping.

NAKAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with