^

PM Sports

Tell Bell, Orange Bell kampihan sa 3-YO Locally Bred Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para mas malaki ang tsansang manalo, magkakampihan ang Tell Bell at Orange Bell pagsalang nila sa 2023 PHILRACOM “3-Year-Old Locally Bred Stakes Race” na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa darating na Sabado.

Inaasahang mapapalaban ang magka-kuwadrang Tell Bell at Orange Bell dahil mga tigasing kabayo rin ang ibang nagsaad ng pagsali sa distansyang 1,800 meter race.

Tiyak na magpapakitang gilas din ang ibang kalahok na Cash On Hand, Danueis Son, I Under Oath, Keep Da Track, Mano Po, Prime Billing, Sweetie Giselle, Take A Chance, Secret Service at Sky Story.

May nakalaan na guaranteed prize na P1M ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Susungkitin ng mananalong kabayo ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P200,000 habang P100,000 ang iuuwi ng tersero.

Magbubulsa naman ng tig-P50,000, P30,000 at P20,000 ang fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with