^

PSN Showbiz

Robi at John Lloyd, nagkaayos na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Robi at John Lloyd, nagkaayos na!
Robi at John Lloyd
STAR / File

Mahigit apat na taong naging magkasintahan sina Robi Domingo at Gretchen Ho noon.

Ngayon ay magta-tatlong taon nang kasal sina Robi at Maiqui Pineda at nabiyayaan na rin ng isang anak. Ayon sa TV host ay nanatili naman ang pagiging magkaibigan nila ng Gretchen. “We’re okay, yeah! We have events together. As a matter of fact, ‘yung kapatid niya is our pedia. So gano’n ‘yung relationship namin. For the record, I don’t talk to Gretchen all the time. Siya (Maiqui) pa nga ‘yung whenever I receive an inquiry, sasabihin na, ito ‘yung scope of work. Ito ‘yung trabaho, co-host with Gretchen Ho. Siya mismo ang magsasabi na, ‘Go! Accept it,’” nakangiting pahayag sa amin ni Robi sa Fast Talk with Boy Abunda.

Malaki na ang ipinagbago sa buhay ng TV host mula nang magkaroon ng sariling pamilya. Matatandaang hindi rin naging madali ang pagbubuntis ng misis ni Robi dahil sa pagkakaroon ng autoimmune disease na dermatomyositis. “In so many ways, Tito Boy. Now may bago akong purpose. I’m so excited to go to work, but I’m more excited to go home. Ang sarap ng pakiramdam kasi ngayon wala kaming yaya. Diaper change, hele, I love doing stuff with the baby. I love being a father to him. The best and hardest part I think is seeing him grow up, I just wanna pause time sometimes. Kasi it’s this moment na it’s just ours the two,” makahulugang pahayag ni Robi.

Maituturing umanong miracle baby ang supling nina Robi at Maiqui na si Emmanuel. June 1 nitong taon nang mag-post ang TV host sa kanyang Instagram account ng video tungkol sa panganganak ni Maiqui. “He is, that’s why we named him Emmanuel. We found out the gender during Simbang Gabi. Then no’ng gospel sinabi niya, usual name ‘yung Emmanuel. Very perfect sa scenario namin ‘coz we feel it. God is with us,” kwento niya.

Samantala, naayos na ang gusot sa pagitan nina Robi at John Lloyd Cruz. Napabalita bago magtapos ang 2025 na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa. Kinompronta umano ng aktor ang TV host sa mismong araw ng kasal nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo noong December. May kaugnayan ito sa naging mensahe ni Robi sa bagong kasal na hindi raw nagustuhan ni John Lloyd. “Yes, it was unintentional, I guess. It just happened on a whim. But in a nutshell, what I just wanna say is it’s done. I appreciate Kuya Lloydie kasi he reached out to different managers in Star Magic para maayos and do’n sa circle of friends namin, okay na, all is well,” pagtatapat ni Robi.

Simula ngayong Sabado ay mapapanood nang muli si Robi bilang isa sa mga host ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3.0. Ngayong season ay bago na umano ang Bahay ni Kuya na kailangang pakaabangan ng mga manonood. “We’re so excited about this. It’s so much bigger. I just went there para makita, grabe sobrang ganda. People have been asking me, saan ba ito? Saan ba lilipat? Malayo ba? It’s near than what you think. Bagong bahay ni Kuya, ang ganda,” pagbabahagi ng PBB host. (Reports from JCC)

ROBI DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with