^

PSN Showbiz

Red Strings, ibinida ang kanilang teorya

Pilipino Star Ngayon
Red Strings, ibinida ang kanilang teorya

Ibinahagi ng OPM band na The Red Strings ang iba’t ibang kwento at yugto ng pag-ibig sa kanilang debut EP na The Red String Theory, na inilabas kasabay ng kanilang kakatapos lang na The Live Sessions Tour.

Isinulat ng mga miyembro na sina Gello Marquez, Cedryck Guda, Llana Claire Catudio, Nicholas De Rosales, Risen Santos, at Liam Barba ang lahat ng anim na awitin sa EP na umani na ngayon ng halos 5 million all-time Spotify streams.

Kabilang dito ang tatlong bagong kanta na Alanganin, Jupiter at Kalendaryo, kasama ang nauna nilang singles na Nasa Ulap, Kupido at Asado. Nagsilbing producer ng EP ang DNA Music label head na si Gab Tagadtad.

Naging pagkakataon din ang The Live Sessions Tour upang mas mapalapit ang banda sa kanilang fans sa pamamagitan ng libreng mall shows sa Valenzuela, Olongapo, Bataan, Telebastagan, Tarlac, Clark at Baliwag. Nakisaya rin sa tour ang ABS-CBN Music artists na sina Bryan Chong, BRYN, Cesca, Chie, Erghyll, Jarea, JEL REY, Lala Vinzon, Off To Aurora, Sarvi, Sassa at Yellow Pad.

Nabuo ang The Red Strings sa reality docu-series ng ABS-CBN Entertainment na The Next Big Band. Hango ang pangalan ng banda sa konsepto ng red string of fate na sumasalamin sa paniniwalang itinadhana silang magtagpo at magsama-sama upang gumawa ng musika.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with