Elle, handang makipag-live-in kay Derrick!

Mag-aapat na taon nang magkasintahan sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
Kahit magkatrabaho sa seryeng Apoy sa Dugo ay abala rin sa kanya-kanyang proyekto sina Elle ar Derrick. Pareho mang abala ay sinisikap pa rin umano ng magkasintahan na mapanatili ang ‘apoy’ sa kanilang relasyon. “On and off siya, siyempre may work kami together. So iba pa rin ‘yung personal life namin on set. So busy kami pareho. He’s doing a theater (play, Ibarra...Ngayon) besides sa Apoy Sa Dugo and I’m doing another show din. Minsan may apoy, minsan wala. Ang priority namin is mas grounding ‘yung relationship namin, hindi ‘yung performative. Mas gusto naming nag-uusap kami, secondary na lang ‘yung apoy,” nakangiting bungad sa amin ni Elle sa Fast Talk with Boy Abunda.
Bilang nobya ng isang sikat na aktor ay mas gusto raw ni Elle na makilala rin siya sa sariling kakayahan. “There are pros and cons. Siyempre mas gusto ko ‘yung may sariling identity. It’s very important na mahiwalay ko rin ‘yung sarili ko sa identity na, ‘Girlfriend siya ni Derrick.’ Of course I can do my own thing, I have my own thing. Meron din si Derrick, at may mundo rin na Derrick at Elle. So hinihiwalay ko din minsan ‘yung sarili ko na identity na ‘yon kasi importante ‘yon sa relationship eh. Hindi ito dapat mahulma ng isang relasyon mo,” makahulugang paliwanag ng dalaga.
Madalas na nakapagbabakasyon sa ibang bansa sina Derrick at Elle. Para sa Kapuso actress ay mahalaga ang oras na kasama ang nobyo at malayo sa kanilang mga trabaho. “This is a gift, life is a gift and you should cherish it. Live it a moment, be present. ‘Yon talaga ‘yung important sa akin, especially nangyari siya. You take life for granted talaga minsan eh. Minsan nakakalimutan mo to be present kasi palagi kang nasa phone. Caught up by social media ka palagi,” giit niya.
Noong umuusbong pa lamang ang pagmamahalan ng dalawa ay madalas daw na tinatanong ni Elle si Derrick tungkol sa mga naging kasintahan ng aktor. “Ako ma-interview talaga ako kapag may bago akong (manliligaw). Inaalam ko talaga lahat. ‘Anong naging issue n’yo dati? Bakit kayo nag-break?’ Tinatanong ko lahat ‘yan kahit masakit sa aking pakinggan. Parang ang iffy sa aking pakinggan ‘yung mga nangyayari sa kanila. Siyempre meron kang mga maririnig na hindi mo gusto. Gusto kong malaman para alam ko rin kung ano ‘yung mae-experience ko sa kanya, ano ‘yung pwede kong iwasan, pwede naming pag-usapan. Hindi naman sa akin issue ‘yung past eh. Ang issue sa akin dapat may trust, may loyalty, mabigay sa akin ‘yon and ako mabigay ko rin sa kanya. Gusto ko lang maintindihan siya. I’ve been into relationship na lahat nag-cheat. Ayaw ko na, once na may cheating, bye na ako,” pagdedetalye ng dalaga.
Pabor umano si Elle kung sakaling magli-live-in muna sila ni Derrick bago tuluyang magpakasal sa takdang panahon. “Live-in parang pwede, to test the relationship, to see,” pagtatapat ng Kapuso actress. (Reports from JCC)
- Latest






















