^

PSN Showbiz

Joshua, mas priority na ang peace of mind!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joshua, mas priority na ang peace of mind!
Joshua Garcia
STAR / File

Aminadong nakakabaliw maging actor

“Fame taught me the hard way... Hindi lahat ng nasa paligid mo ay nandiyan para sa ‘yo. Yeah. So that’s why I’m protecting my peace. ‘Yun mga tao nagpapahalaga sa akin nang totoo,” pag-amin ni Joshua Garcia sa ginanap na Star Magic Spotlight presscon kamakailan sa natutunan niya sa 12-year-old career.

Yes, 12 years na sa showbiz ang actor, kaya naman ang priority niya sa kasalukuyan ay peace of mind.

“Peace of mind — alam naman natin na magulo ang ating industry — relationships and health. Hindi lahat ng nasa paligid mo ay nandyan para sa’yo,” dagdag niyang sabi.

Inamin din ng aktor na natututo na rin siyang malaman kung aling mga bahagi ng buhay ang dapat niyang itago sa kanyang sarili at alin ang pwede sa lahat. Pero mahirap aniyang gawin. “Simula PBB, parang bukas na libro ang buhay ko, eh. Wala talagang maitatago.

“And I’m still working on keeping things private. Sometimes, wala ka na kasing magawa kahit gusto mong itago ang ilang parte ng buhay mo.

“Mahirap magkaroon ng bounda­ries sa work namin eh. Hindi mo rin mapipigilan ang mga tao,” paliwanag niya tungkol dito.

Pero aniya tanggap na niya ang mga bagay-bagay na bahagi ng entertainment industry.

“Kailangang alam mo ‘yun bago ka pumasok sa trabahong ito, ‘yung nandito ka pero nagrereklamo ka. Kailangan mong mahalin ang nangyayari sa mundo natin para tumagal. It’s our job in the entertainment industry,” katwiran niya pa.

Samantala, pagdating naman sa trabaho, ayon kay Joshua, gusto niya ay laging nacha-challenge. “Gusto ko palagi nacha-challenge sa mga role. Dito, na-challenge ako (Love Is Never Gone) dahil action siya. Maraming hinihingi physically. Gusto ko lang nacha-challenge ako. Every role na ginampanan ko. Dapat meaningful, dapat marami maka-relate. Something new.”

Aminado rin siyang game pa rin naman siya sa maraming trabaho pero gusto na rin niyang mamili ng mga role, dahil aniya nakakabaliw ding mabaliw sa gina­gampanang role.

“Sa ngayon kasi parang game naman ako kahit gaano pa karami ang ibigay sa aking trabaho pero parang nagiging careful na ako sa pinipili kong istorya... five years ago gusto kong gumawa ng psycho role kasi syempre as an actor gusto mong mabaliw ka pero ang hirap palang mabaliw... nakakabaliw na rin talaga maging actor kasi pinaglalaruan ‘yung emotion mo after mong umiyak bigla tatawa ka the next scene, then biglang iiyak ka so nakakabaliw din siya talaga.

“So ngayon parang mas nagfo-focus ako sa mga magandang material mas magandang istorya ‘yung buo ‘yung hindi lang isa ang mag-shine, both actors and kung sino man ang nandudun sa movie maganda ‘yung material mismo. So I think mas ‘yun ang gusto ko ngayon sa role na gusto kong gampanan.”

JOSHUA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with