Ju Ji-Hoon ng Princess Hours, nagbabalik!

Ang minahal na si Prince Gian ng Princess Hours na si Ju Ji-Hoon ay nagbabalik para pakiligin ang mga gabi ng fans bilang si Seok Ji-won sa Love Your Enemy na mapapanood na simula ngayong Lunes (Mayo 25) sa ABS-CBN sa ALLTV2, Kapamilya Channel, A2Z at iWant.
Makakasama niya sa kwentong puno ng awayan at tuksuhan ang Korea’s sweetheart na si Jung Yu-mi.
Iikot ang Love Your Enemy kina Seok Ji-won (Jun Ji-hoon) at Yoon Ji-won (Jung Yu-mi) na ipinanganak sa parehong araw at may magkaparehong pangalan. Bata pa lang ay away-bati na ang dalawa, kasabay pa nito ang matagal nang away ng kanilang mga pamilya sa loob ng maraming henerasyon.
Dating magkarelasyon noong high school, muling pagtatagpuin ng tadhana ang dalawa sa dati nilang paaralan makalipas ang 18 taon. Si Seok Ji-won bilang chairman ng eskwelahan at si Yoon Ji-won naman bilang isang PE teacher.
Huwag palampasing kiligin at manggigil sa love-hate relationship ng mga bida at alamin kung ang kanilang reunion ay mauuwi na sa pag-iibigan.
Mapapanood ang Love Your Enemy simula ngayong Lunes, 9:30 p.m. sa ABS-CBN sa ALLTV2, Kapamilya Channel, A2Z at iWant.
- Latest





















