^

PSN Showbiz

Kathryn, kayang hulaan ang hinaharap?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, kayang hulaan ang hinaharap?!
Kathryn Bernardo.
STAR/ File

Sa isang nakakaaliw na video, balik-comedy si Kathryn Bernardo para tulungan ang TNT subscribers na makapili ng swak na prepaid promo.

Mula buhay-pag-ibig hanggang rank sa Mobile Legends, walang mintis ang paghula ni Kathryn dahil sa bagong For You Po feature ng TNT, ang value-focused brand ng Smart Communications, Inc. (Smart). Ngayon, mas madali nang matuklasan ng TNT subscribers ang promo na the best sa mga pangangailangan nila.

Gamit ang Smart App, ipapakita ng For You Po ang mga promo na babagay sa subscriber, mapa-data man ito, pantawag o pang-text. “Hindi na kailangan mag-scroll nang matagal. Gamit ang For You Po, mas madali nang makita at ma-avail ang mga pinakasulit na promo na swak sa lifestyle mo,” ani Lloyd R. Manaloto, FVP and Co-OIC ng Smart.

At magagamit ito sa tatlong paraan: Una, gamit ang Smart App: Mag-log in lang sa Smart App at i-tap ang For You Po tile para makita ang exclusive offers na para sa iyo.

Pangalawa, Dial *123#: I-dial lang ang *123#, piliin ang “For You Po” sa menu, at hintayin ang recommended promos.

Pangatlo, kung Android ang operating system ng mobile phone mo, buksan ang Facebook Messenger at pindutin ang “Buy Data” button sa app. Ililipat ka nito sa bagong pahina kung saan makikita at makakabili ka ng mga eksklusibong promo.

Dahil sa magkasunod na pagkakapanalo ng Smart sa Ookla, ang global network intelligence firm na gumawa ng Speedtest, mas madali at mas masaya na ang experience ng TNT subscribers.

Kamakailan lamang, itinanghal ang Smart na Best Mobile Video Experience  at  Best Mobile Latency —ibig sabihin, napaka-igsi ng pagkakahuli ng mga impormasyong ipinapadala, bagay na akma para sa mga real-time app na ginagamit sa streaming, online gaming at video call.

KATHRYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with