^

PSN Showbiz

Yasmien, nakisimpatya kay Alfred!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, nakisimpatya kay Alfred!
Alfred Vargas at Yasmine Espiritu

Kabilang si Yasmien Kurdi sa agad nagbigay ng suporta kay Alfred Vargas na nagdemanda ng bullying.

Comment kaagad ni Yasmien: “This is really heartbreaking, but also a wake-up call. I know how this feels. the pain and anxiety for the whole family. We’ve been through it, and it’s not easy seeing your child go through that.

“What’s hard is that bullying doesn’t just happen once it builds up over time. From being singled out, to anxiety, to feeling unsafe, it really affects them deeply. Mas masakit pa when parents are already informed but choose to dismiss or even laugh it off instead of correcting their child. That kind of response only makes things worse.

“This is why taking a stand matters! Accountability is the only way it stops. Praying for your family. Stay strong Vargas Family. Every child deserves to feel safe and protected.”

Nagsampa nga ng kasong kriminal sina Alfred Vargas at ang kanyang asawa na si Yasmine laban sa mga magulang ng diumano’y nam-bully sa kanilang anak.

Ang reklamo ay isinampa sa Office of the City Prosecutor of Manila, at kabilang sa mga respondent sina Juvelle Bacosa and Robert Vincent Sy for violation of Section 10(a) of Republic Act No. 7610, or the Special Protection of Child.

“Mayroon pa ngang ginawa yung bully na hindi talaga appropriate at sobrang sakit sa kalooban namin. Kinadyot niya yung anak ko sa malaswang paraan at nung nakita ng misis ko at sinabi sa nanay, tinawanan pa ng nanay at sinabi, ‘He’s just dancing!’” sabi ni Alfred sa kanyang post

“Every time we go to the parents to try to resolve these issues, we were either dismissed or gaslighted,” dagdag ng aktor/pulitiko.

Umabot sa puntong matindi ang sitwasyon noong isang swimming competition sa Rizal Memorial Sports Complex last February .

Personal daw nasaksihan ni Alfred at ng ilan pang tao ang pagtulak ng menor de edad niyang anak sa gilid ng pool habang warm-up period, na muntik nang masugatan bago ang competition.

Pagkatapos daw noon ay pinagtawanan ng dalawa pang kaibigan ng bully ang kanyang anak habang ito ay nakaramdam ng matinding takot.

 Inilahad din ni Alfred kung paano raw dinedma ng ina ng bully ang insidente at nagkunwaring walang nangyari nang sabihin niya ang bagay na ito sa kanya.

“Bilang ama, may isang bagay na hindi mo kayang tiisin: ang makita ang anak mo na inaapi,” sabi niya pa sa isang statement.

 “The only regret we have is we didn’t do it sooner,” dagdag niya.

“Ilan lang ang mga ito sa marami pang ginawa sa anak ko. Hindi ito simpleng ‘away ng bata.’ Hindi ito bagay na dapat palampasin,” sabi pa niya.

“Bullying is not normal. It is not harmless. It is not acceptable. Maaari sanang maiwasan ang insidente na ito kung hindi napabayaan ang bata ng magulang. Kaya ngayon, pinili naming lumaban. Hindi para maghiganti kundi para manindigan para sa anak ko at para sa lahat ng batang natatakot magsalita,” sabi niya sa kanyang post.

ALFRED VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with