Sofia, deactivated sa IG!

Nire-review kung buburahin o ibabalik pa
Deactivated na as of this writing ang Instagram (IG) account ni Sofia Andres.
Sinabi niyang nakikipagtulungan na siya sa Meta upang maibalik ang kanyang IG account matapos daw hindi paganahin dahil sa isang isyu sa sistema.
Sa TikTok si Sofia nagbibigay ng update sa nangyari sa kanyang IG page.
“We disabled your account, You no longer have access to @iamsofiaandres!” sabi ng screenshot niya.
“Why this happened: “ Your account, or activity on it, doens’t follow our Community Standards.
“What this means : “No one can see or find your account and you can’t use it. All your information will be permanently deleted.
“You cannot request another review of this decision,” ang buong paliwanag ng Meta sa pagkaka-deactivate ng kanyang account na naka-screenshot.
Wala namang particular na dahilan na sinabi si Sofia kung anong post ‘yung naging basehan at nawala at naparusahan ang account niya.
Pero nagpasalamat siya sa kanyang followers.
“My Instagram Account is currently under review
—looks like a system issue affecting multiple accounts. Already being fixed. Thank you for the support.”
Walang ibang maalalang kontrobersiya sa Alibi actress na gumaganap na kontrabida ni Kim Chiu sa nasabing palabas kundi ‘yung pagkakamali niya sa pagpapakilala sa kanyang sarili kung saan ang nabanggit niya ay ang broadcast journalist na si Jeff Canoy.
Wala rin naman silang nakikitang isyu kung nagkaroon man sila ng ‘catch-up’ dinner ni Jake Cuenca na ang na ina-assume ng netizens na baka diumano si Chie Filomeno ang kanilang naging topic, as in nag-assume na sila.
Sa kasalukuyang panahon ay importante sa mga celebrity ang kanilang social media pages particular na ang IG at Facebook dahil nakadepende sa kanilang number of followers sa nasabing social media platforms ang offer sa kanilang talent fee sa kanilang mga ipino-post.
- Latest






















