^

PSN Showbiz

OPM friends, nagbabalik sa NWR

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon

Ibabalik ang saya at sayawan ng OPM Friends ang isang gabing puno ng classic hits and feel-good nostalgia sa Groovin’ The Greatest Hits sa Marso 27, 2026, 8 p.m. sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts.

Kilala sa kanilang lively, dance-filled concerts, ang OPM Friends ay isang all-star lineup ng  beteranong Filipino performers na binubuo nina Celeste Legaspi, Leah Navarro, Mitch Valdes, Nanette Inventor, Pat Castillo, Pinky Marquez, Bo Cerrudo, at Ding Mercado.

Unang nagsama-sama ang supergroup noong 2024 sa pamamagitan ng OPM Friends Carol for a Cause, isang proyekto ng mga miyembro ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na nangalap ng pondo para sa mga kasamahan sa industriya ng musika na nahaharap sa seryosong problemang medikal at pinansyal.

Ang nagsimula bilang isang holiday fundraising project ay naging isang sama-samang pagtatanghal na nagdiriwang sa mga awitin at alagad ng sining na humubog sa Original Pilipino Music.

Ngayon, kinikilala ang grupo sa pagsasama-sama ng legendary voices of the era upang buhayin ang mga klasikong awitin tulad ng Isang Mundo, Isang Awit at Umagang Kay Ganda—mga kantang nananatiling mahalagang bahagi ng OPM songbook.

Bawat miyembro ay may kanya-kanyang legasiya sa OPM. Makakasama rin nila bilang special guest si Nonoy Zuñiga, ang kilalang OPM balladeer sa likod ng mga walang kupas na awitin tulad ng Doon Lang, Kumusta Ka, Never Ever Say Goodbye, at Araw Gabi.

Maghanda nang umawit at sumayaw kasama ang OPM Friends sa Groovin’ The Greatest Hits concert sa Newport Performing Arts Theater.

Mabibili na ang mga tiket sa lahat ng Ticketworld outlets at sa Newport World Resorts Box Office: P7,800 (PLATINUM), P6,800 (SVIP), P5,200 (GOLD), P3,800 (SILVER), at P1,800 (BRONZE). Para sa ticket inquiries, makipag-ugnayan sa VAA Live Hotlines sa 09317082115 o (02) 8687-5853 loc 841.

OPM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with