^

PSN Showbiz

Xian at Dylan, nag-iyakan sa taping!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Xian at Dylan, nag-iyakan sa taping!
Xian at Dylan
STAR / File

Kay Xian Lim ipinagkatiwala ng Viva at MediaQuest na idirek ang bagong mystery-crime thriller series na pinamagatang Project Loki na magsisimula na ang streaming sa Viva One at CignalPlay sa darating na Feb. 21.

Tampok dito sina Jayda Avanzado, Marco Gallo at si Dylan Menor na first time magka-project na siya ang title role.

Kaagad na nakasundo ni Xian ang mga batang artista rito. Masaya raw siya bilang direktor ng Project Loki dahil nakikita niya ang mga kabataang artista na nag-i-improve, kasabay ng paglago ng kanilang showbiz career.

“My heart is very at peace while directing, seeing all the actors, seeing them grow and seeing them shine.

“Lagi ko sa kanilang pinaalala – huwag n’yong problemahin na maging pangit kayo, ‘yung performance n’yo. Don’t even perform para sa akin or para sa… to anyone. Just give me 10 percent. Just enjoy what you’re doing.

“‘Yun pa lang po… minsan nag-uusap kami ni Dylan, bigla kaming nag-iyakan. Naiyak ako.

“Naiyak ako nung nagkukuwento ako kay Dylan. But, parang sabi ko, ‘Dylan, it’s just giving me so much joy to see you, guys, express, mailabas ‘yung emotion na ‘yun on cues sa trabaho na kailangan nating gawin.’

“Definitely there’s so much fulfillment in creating something,” saad ni Xian sa media conference ng Project Loki na ginanap sa Viva Café kahapon.

Tinanong pa rin namin si Xian tungkol sa binanggit niyang nag-iyakan sila ni Dylan. Napangiti lang siya at hindi naman daw masyadong personal. Tungkol lang daw sa trabaho na masyadong nadala raw ang actor/director. “Dun ako naging emotional e. Huwag kayong matakot to open yourself. Kasi this is what I’m trying to build is a safe space para sa kanila.

“Dun kasi nagsimula. Hindi ko na i-share kung papano. ‘Yung heart-to-heart with everyone. Not just Dylan… with even the minor characters. Because I want them to learn.

“I really do. And gusto kong i-share ‘yung mga things that I had to go through. ‘Yung mga balakid in maintaining a career, you know. Not just the character.

“Alam na natin na magtatrabaho tayo here. So, ‘yung mai-share ko na lang sa kanila, you know what it is. Nandun na... I’ve gone through the route. ‘Eto na lang.

“I’m wishing them the best, trabaho ko ‘yun para to make them shine each and every single one,” sabi pa ni Xian Lim.

Sabi naman ni Dylan, bilang isa rin kasing artista si Xian, parang nadala lang daw siya sa pagpapaliwanag nung medyo nahirapan siya sa isang eksenang pinagawa sa kanya.

Ani Dylan, “It’s nothing personal. It’s just basically… he’s sharing his experience sa acting. Kasi, ‘yung scene namin na ‘yun, I was having a hard time for the heavy scenes. So, he was just explaining kung how it works for him. So, he was just sharing that experience. Nadala siya. Sine-share lang niya ‘yung mga experiences niya kung ano yung mga techniques niya. So, basically ‘yun lang naman.

“He just wants to share that experience, para at least when I have the chance to do that scene, possible na ma-adopt ko o makuha ko ‘yung technique niya.”

Hindi na ibinahagi nina Xian at Dylan kung may personal na isyu silang pinag-usapan that time.

Ang maganda lang daw ay artista rin si Xian, kaya mas naipapaliwanag niya nang mabuti ang gusto niyang mangyari sa pinapagawa niyang eksena. “I’m just very grateful kasi si Direk Xian, he’s an actor, ‘di ba? ‘Yung tips niya sa akin as a director, talagang naintindihan ko kasi we’re both actors. I could really relate to him and I really understand him.

“I’m just thankful for him kasi he allows me to you know… do my own interpretation of the character. And his vision and his direction sa pagtuturo sa akin ng characters is really very clear.

“Magaling si Direk Xian. Sobrang gaang katrabaho po. Parang kaibigan lang po kami,” dagdag pang sabi ni Xian.

Samantala, ayon pa kay Dylan hindi pa raw niya alam kung ano ang magiging primetime show niya sa TV5. Pero sa ngayon ay nasa Vibe muna siya na dinidirek ni Mr. M (Johnny Manahan).

Ibang challenge raw ito sa kanila ngayon na pawang TV5 shows na ang ipalalabas, wala na ‘yung sa ABS-CBN. Pero para kay Dylan lang naka-focus dahil pursigido talaga ang Kapatid network na mabigyan siya ng pagkakataong umalagwa sa mga show na ibibigay sa kanya.

“Yeah! But there a lot of good actors din who work with TV5. Sana makatrabaho ko rin silang lahat… hindi naman lahat, but most of them para maganda ‘yung… para mas mag-succeed pa ang TV5 ‘di ba?

“That’s our goal to keep improving, keep elevating,” sambit ni Dylan.

Aware na rin si Dylan sa mga intrigang naglalabasan, pero natuto na raw siyang mandedma sa mga ito.

Paano niya naha-handle ang mga intrigang ibinabato sa kanya?

Hindi na niya binanggit kung ano itong mga intrigang dinededma niya. “Honestly, hindi ko rin alam kung paano ko siya hina-handle. Pero if it’s something negative, I just don’t focus myself on the negative.

“I always look at the positive side. I mean, sayang e. Hindi ko siya iniisip masyado. Hindi ko siya dinadamdam masyado.”

Okay lang daw kung constructive criticism, ‘yung napapansin na diperensya sa kanyang trabaho. Pero kung personal at negatibo, natutunan na raw niyang i-ignore ang mga ito.

“‘Pag nakita ko, okay move on. I mean, if it’s true or not, basta as long as it won’t help me, ‘di ba? I mean, if it’s unnecessary…

“If it’s critics talaga na ‘o kailangan pa niya mag-try, kailangan pang mag-improve sa ganitong klaseng acting. ‘Yung boses niya, kailangan… ‘yung mga ganung klaseng critics, I would accept that. Sobrang na-appreciate ko po ang ganun.

“Pero pagdating sa mga negative na hindi naman masyado… ‘yung personal, I don’t mind it. Hindi ko siya masyadong pinapansin.

“I don’t really see much honestly, o I just don’t get to see the issues. I’m not aware.

“For sure there are, pero, isang tingin lang… kumbaga, pasok sa kanang tenga, labas sa kabila parang ganun na ‘yung feeling.

“Kaya I’m always wanna be positive. That’s what I wanna give sa audience,” mahabang sagot at paliwanag ng Kapatid actor.

Dagdag pa niya: “I don’t wanna dwell on mga negativity. So, as much as possible, I just wanna think positive, I just wanna look on the bright side,” sabi pa ni Dylan na masasabing isa sa pinakamasuwerteng actor sa kasalukuyan.

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with