^

PSN Showbiz

Maris, biggest year ang 2025!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Maris, biggest year ang 2025!
Maris Racal

Hindi maikakaila na ang taong 2025 ang maituturing na biggest milestone ni Maris Racal na unang nakilala sa popular reality talent program na Pinoy Big Brother: All In nung 2014 where she placed 2nd Big Winner. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagpalaot sa mundo ng showbiz.

Her award-winning movie na Sunshine was shown in the Philippines nung nakaraang July 2025 na umani ng tagumpay at magagandang reviews hindi lamang sa Pilipinas kundi ma­ging sa iba’t ibang international film festivals.

Mula sa panulat, direksyon and co-production ni Antoinette Jadaone, ang pelikulang Sunshine ay isa sa mga nanguna sa Netflix Philippines sa kasalukuyan.

Ang isa pang pelikulang kanyang ginawa nung nakaraang taon ay ang Sosyal Climbers ay nag-No. 1 din sa leading streaming platform. Ang nasabing pelikula ay kanilang pinagtambalan ng kanyang rumored ex-boyfriend na si Anthony Jennings. Pero masasabing breakthrough pro­ject niya ang romantic-drama TV series na Can’t Buy Me Love na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil dito lumutang at nakilala ang hindi inaasahang loveteam nila ni Anthony.  Ang nasabing serye ang naging daan para mapasama sina Maris at Anthony sa top-rating action-drama series na Incognito along with Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion, Baron Geisler at Kaila Estrada na nasundan nga ng unang tambalan nila ni Anthony in Sosyal Climbers.

In September 2025 ay pumasok si Maris sa long-running and top rating action drama series na FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin na isa sa pangarap niya noon na makatambal.

Sa pagpasok ng bagong taon, inaasahang magiging mas busy ang Kapamilya singer-actress with more meaningful and challenging pro­jects.

Maris was in a long relationship with singer-songwriter, record producer, music icon and part-time actor na si Rico Blanco. She was also in a brief relationship with Piolo Pascual’s son, ang singer-songwriter and actor na si Inigo Pascual.

Second chances...

Alam mo, Salve A., ang petsang Dec. 27, 2025 ay maitutu­ring na mahalagang araw sa dating couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil ito ang araw na muling ikinasal ang Kapuso singer-actress na si Carla sa kanyang high school sweetheart na si Dr. Reginald Santos.

Para namang pinagtiyap ng pagkakataon dahil ito rin ang araw kung saan tinanghal na Best Supporting Actor si Tom dahil sa kanyang mahusay na pagkakaganap sa papel na Stephen, mister ni Celine na ginampanan ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na UnMarry.

Parehong nabigyan ng panibagong chance na lumigaya ang dating mag-asawa sa piling ng kanilang respective new partners. Although hindi pa rin ipinapakilala ni Tom ang kanyang bagong misis (non-showbiz) with whom ay meron na siyang one-year-old son na si Korben na hindi pa rin ipinapakita ang mukha sa publiko.

Everybody deserves second chances at ito’y nangyari sa former couple na sina Carla at Tom.

MARIS RACAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with