Alden, may pinanghihinayangan!

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Alden Richards para sa ARXV: Moving ForwARd fan meet na gaganapin sa Dec. 13. Bahagi ito ng selebrasyon ng aktor para sa kanyang ika-15 anibersaryo sa show business.
“Since it’s a 15th anniversary, I want all the details and the decisions made for this event galing sa kaibuturan ng puso naming lahat. Of course, this is an event of gratitude, of appreciation, of highlighting the people that were part of my 15 years,” nakangiting bungad ni Alden sa 24 Oras.
Sinisiguro ng Asia’s Multimedia Star na mag-e-enjoy ang lahat ng mga tagahangang dadalo sa naturang event sa Santa Rosa Laguna Multi-Purpose Complex. Gagawin umano ni Alden ang lahat ng makakaya upang maging masaya ang lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.
“The lives that I was able to touch. Kaya siguro ako nalagay dito sa sitwasyon na ‘yon kasi I think that’s my mission, to really give out, parang ano lang ako vessel of all the blessings that’s coming in the way because alam ni Lord na at the end of the day, I’m gonna be able to share it to people in need,” paglalahad ng binata.
Malaki ang panghihinayang ni Alden dahil hindi na masasaksihan ng namayapang ina ang lahat ng kanyang tagumpay na tinatamasa ngayon. Ang ina ang talagang nagpursige noon upang paghusayan ng aktor ang lahat ng kanyang ginagawa sa industriya.
“Para makita lang ng mom ko, nanay ko, kung ano ‘yung nagawa ng pag-push niya sa akin before na siya talaga ‘yung gustong makakita ng kung ano man po ‘yung narating ko. So ‘yon ‘yung lagi kong iniisip ‘pag gabi. Parang sometimes ‘pag may achievement, kapag may recognition, sana makita niya physically,” pagbabahagi ng Kapuso actor.
Klarisse, nagpapalamig pa sa Japan
Katatapos pa lamang magtanghal kahapon ni Klarisse de Guzman para sa mga kababayan nating nasa Tokyo, Japan. Ginanap ang iWant Happy Hour sa Yoyogi Park na dinaluhan ng libu-libong Pinoy.
“Sobrang nakakataba ng puso kasi somehow nadadala namin ‘yung Philippines sa kanila. Malapit na ang Pasko, so parang mapapaaga ang Pasko natin,” pahayag ni Klarisse sa ABS-CBN News.
Masayang-masaya ang singer dahil muling nakapunta sa Japan. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang huling makarating si Klarisse sa Tokyo kaya lulubusin na niya ang kaunting panahon na makapagbakasyon.
“Ngayon malamig, magpapalamig muna tayo sa Tokyo. Sa pagkain, ‘yung mismong Japan, ‘yung paligid ng Japan sobrang linis kasi,” maikling kwento ng singer.
(Reports from JCC)
- Latest
























