Richard, may panawagan sa ating gobyerno

Nakakalungkot naman talaga ang nagaganap sa ating bayan.
Lalo na at parang mas nagiging soap opera na ang mga pangyayari sa pagbigay ng statement ng controversial politician/businessman na si Zaldy Co.
Iginiit ng dating kongresista noong Biyernes na nakatanggap siya ng mga bilin na magsingit ng P100 billion na mga proyekto sa 2025 national budget mula Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan nina Budget Secretary Amenah Pangandaman at dating House Speaker Martin Romualdez.
Na sabog kaagad kahapon sa social kaya talagang malulungkot ka nga naman.
At kasama sa talagang malungkot ay si Richard Gutierrez.
Pero umaasa siyang magkakaroon ng magandang pagbabago in the future.
“Siyempre, nakakalungkot, nakakatakot ‘yung nangyayari ngayon sa bansa natin but you know, I still have hope,” pahayag ni Chard nang makapanayam namin sa solo presscon niya for Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Dagdag niya: “I have hope in our people, I have hope na there are still a few good leaders left who’ll help us out and run this country well.”
Umaasa siyang magkakaroon ng resulta ang lahat ng mga nagaganap na imbestigasyon.
“Sana lang talaga, may managot sa mga ginawang karumal-dumal sa bansa natin dahil kahit ako, hindi ko rin matanggap nang maayos, eh, alam mo ‘yun?
“We all pay our taxes, you know, we all do our jobs, we wake up in the morning, we’re tired and you know, sana, ‘yung government natin, nandiyan, helping us out, supporting us, and giving us what we deserve. And right now, hindi naipapakita sa atin ‘yun,” aniya.
“I just wish that everything will be well in the future,” dagdag niya.
- Latest





















