32nd NSC, dinaluhan ng libu-libong estudyante

Matagumpay na natapos ang 32nd National Student Convention (NSC) ng School of Tomorrow, Philippines (SOT) na may theme na Expanding our Reach na ginanap sa Tagaytay mula Oct. 12-17, 2025.
Ito ay nilahukan ng mga delegado mula sa 86 schools, 1,199 na mga estudyante, 150 guests, at 429 sponsors mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang NSC ay binubuo ng mga mag-aaral at eskwelahan na sakop ng School of Tomorrow, Philippines o Accelerated Christian Education (ACE) system na gumagamit ng PACEs o module.
Ang NSC ay pinangungunahan ng founder at Executive Director Rev. Delbert Hooge at Deputy Director Pastor Erich Bernard Santos.
Ang kanilang hangarin ay palawakin at mas makilala ng mga estudyante ang Panginoon.
Layunin din nito na mahubog ang kanilang buhay at pamilya bilang bagong henerasyon na susunod na magiging lider at mamamayan ng bansa na maaaring magtaguyod ng malinis at matapat na paglilingkod para sa Panginoon at sa ating Inang Bayan.
- Latest



















