Nadia, ‘gumanti’ ng demanda!

Sa magkakahiwalay na lugar ang demanda na isinampa ni Nadia Montenegro kahapon.
Kasong Cyber Libel ang inihain niya laban sa Abante Tonite at DWAR radio station ng Abante, na isinumite niya sa Caloocan Prosecutor’s Office.
Pagkatapos doon ay lumipat sila ng Pasay City Prosecutor’s Office para naman isumite ang reklamong Unjust Vexation at Violation of Safe Spaces Act laban sa staff ng Office of the Senate Sergeant at Arms.
Sabi ng legal counsel ni Nadia na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, Caloocan ang residence ni Nadia kaya doon siya nag-file ng kasong Cyber Libel.
Ang sa Pasay naman ay dahil sa Senate building nangyari ‘yung inirereklamo niya na kung saan ay sangkot ang ilang staff ng Sergeant at Arms ng Senado na inakusahan siyang nag-Marijuana sa comfort room.
Nakasaad sa affidavit na isinumite ni Nadia kung paano na-handle ng staff na ‘yun dahil sa meron lang nagsumbong na amoy marijuana, at binalaan pa siyang mag-ingat dahil may naiinggit daw sa kanya.
Sabi pa ni Nadia, ipinakita naman daw niya agad ang laman ng bag niya at ang vape lang ang meron siya.
Pero nag-issue pa rin daw ito ng incident report na naka-address sa Sergeant at Arms.
Lalo pang lumala nang ini-release pa raw nito ang incident report sa publiko na kaagad namang pinik-ap ng ilang media outlets.
“Worst, he released said Incident Report to the public, making me the subject of ridicule and misjudgments not only from senators, colleagues in the Senate, friends and also people worldwide online and otherwise,” nakasaad sa affidavit nito.
Sabi pa ni Nadia, “Due to extreme emotional distress, my family advised me to just resign which means leaving my most loved work in the public service, and do therapy to cure my trauma and depression from the aforesaid incident.”
Sabi pa ni Nadia nang maka-text ko, dumaan daw siya sa three-month therapy na kung saan nagsimula siya nung August.
Pero kamakailan lang ay pumasok daw siya sa Essence Retreat para sa kanyang trauma therapy.
“Nagpagaling muna ako ng trauma, bago ako pumasok sa retreat.
“Sinabihan ko si Atty. (Maggie Garduque) na ready na ako lumaban.
“Lumabas ako Sunday, kaya ngayon kami nag-file,” dagdag na text message sa akin ni Nadia.
Bago naman sila nag-decide na magsampa ng reklamo laban sa ilang staff ng Sergeant at Arms ng Senado, gumawa pa rin daw sila ng paraan na makipag-usap muna at makipaglinawan sa naturang departamento ng Senado.
Halos isang buwan daw ang nakaraan ay nakipag-ugnayan pa si Atty. Maggie sa kanila.
“Twice na sumulat si Atty. Maggie sa Senate. Nag-ask kami ng conference with my accusers and CCTV para kung may makita sila against me, kasuhan ako. Pero wala, ‘di kami pinapansin. Kaya ako nag-resign, kasi alam ko need ko lumaban. ‘Di ako makakalaban if employee pa ako,” sabi pa ni Nadia Montenegro.
Ang pagsampa niya ng reklamo ay bahagi na rin ng pag-move on niya sa trauma na pinagdaanan niya.
PBB Collab 2, kasadong-kasado na
In-announce na ng GMA 7 at ABS-CBN ang second season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab. Mga teen ang kasali na maaaring pasisikatin din nila.
Sumikat ang karamihan sa mga housemate ng PBB Celebrity Collab at sunud-sunod ang projects nila.
Napatunayan ulit ito sa magandang ratings ng bagong episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na kung saan tampok dito ang PBB housemates na sina Will Ashley, AZ Martinez at Vince Maristela.
Puwede na nga talaga silang magdala ng show.
Tingnan natin kung maganda ang kalalabasan ng pelikulang The Secrets of Hotel 88.
Samantala, noong Sabado at Linggo rin ang finals ng Idol Kids Ph.
Okay ang rating nito noong Sabado na kung saan nag-trim down into three finalists. Naka-6.5 percent ito. Pero nung Linggo na kung saan in-announce na ang pagkapanalo ni Alexa Mendoza, bumaba na ito sa 5.1 percent dahil tumapat siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho na may 15.8 percent.
Type pa rin talaga ng mga manonood ang singing competition, kaya consistent na mataas ang The Voice Kids ng GMA 7 na naka-11.4.
Bago pa ang The Voice Kids ay ang Bubble Gang na mas kuwela ang sketches nila tungkol kay Ciala Dismaya na ginagampanan ni Michael V, at ang pag-spoof nila ng iba pang kadramahan sa Senado. Naka-8.9 percent ito. Sabi ng mga taga-Bubble Gang, may iba pang karakter na lalabas at mas kuwela pa raw ito.
- Latest




















