Zsa Zsa, walang kupas!

Walang kakupas-kupas ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang katatapos lamang na milestone concert na Through The Years.
Masaya, pabolosa, makinang, at punung-puno ng emosyon at magagandang awitin ang concert ng Zsazhing!
Opening pa lang, alam na ng audience kung ano ang i-e-expect — non-stop hits at isang musical trip down memory lane dahil talaga namang bahagi ang mga awitin ni Zsa Zsa ng soundtrack ng ilang henerasyon — mga sawi at panalo sa pag-ibig nagkakaisa sa hits ni Zsa Zsa.
Simple lang ang set ng concert ni Zsa Zsa — maliban sa ilang LED screens, halatang front and center si Zsa Zsa at ang hits niya — bagay na ikinaligaya ng kanyang fans.
Hugot kung hugot ang ang audience habang inawit ni Zsa Zsa ang Kahit Na at Hiram.
At parang Valentine in May naman ang aura nang inawit niya ang Ikaw Lamang at Mula Sa Puso.
Party-party naman ang feels sa kanyang live rendition ng Point Of No Return at Mambobola na may kakaibang Latin interpretation na kinagiliwan ng mga tao.
Highlight din ng concert ang special guests ni Zsa Zsa na sina Erik Santos, Karylle, Zia Quizon, at Gary Valenciano.
Emosyonal naman ang audience sa duet ni Zsa Zsa with Dolphy, salamat sa AI.
Tagos sa puso ang duet ni Zsa Zsa kasama ang AI ni Pidol at perfect ang Pinoy love ballad na Ikaw Na Nga sa segment na ito.
Akmang-akma naman ang Through The Years at We’re All Alone na ni-revive ni Zsa Zsa noong 2000s bilang finale ng concert.
Talagang blessed si Zsa Zsa dahil sa nakalipas na 42 years, mas lalo pa siyang lumigaya. Naging buo ang kaligayahan ni Zsa Zsa sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. Kaya naman mas lumalim at mas gumanda ang kanyang artistry.
Kaya naman excited na ang lahat sa susunod na concert ng nag-iisang Divine Diva!
- Latest






















