^

PSN Showbiz

Willard Cheng, sasabak sa agenda

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Willard Cheng, sasabak sa agenda

Wow nasa Bilyonaryo News Channel na rin pala ang batikang mamamahayag na si Willard Cheng bilang co-anchor ng kanilang primetime newscast na Agenda.  

Makakasama na si Willard ng mga beteranong mamamahayag na sina Korina Sanchez-Roxas at Pinky Webb sa paghahatid ng pinakabagong balita at masusing pagsusuri ng mga kaganapan sa lokal at pandaigdigang antas.

Mayroong  20 taon na karanasan sa pag-uulat si Willard na kumober sa Malacañang sa ilalim ng tatlong pangulo at nag-ulat sa mga pangunahing political beats, kabilang ang Senado, Kamara, Comelec, Department of Foreign Affairs (DFA) at marami pang iba kabilang ang pag-uulat sa mga pagbisita ng mga pangulo at pandaigdigang summit.

Kilalang-kilala rin siya sa pagbibigay ng mga mahalagang balita at sa kanyang political at research expertise na nagpapadali sa mga komplikadong isyu sa pulitika at diplomasya para sa mga manonood.

Ang kanyang komprehensibong live reporting sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 ay nakakuha ng malawak na pagkilala, sapagkat hindi lamang siya nag-ulat ng mga kaganapan kundi nagbigay rin ng mahahalagang pananaw tungkol sa Santo Papa at sa Simbahang Katoliko, na nakakaeng­ganyo sa mga manonood sa mas malalim na emosyonal na antas.

Dalawang beses ding napili bilang fellow ng prestihiyosong International Visitor Leadership Program ng U.S. Department of State si Cheng.

Nagtapos si Willard sa Ateneo de Manila University at Saint Jude Catholic School.

Napapanood ang BNC nang libre sa BEAM TV 31, cable television sa Sky Cable 33, Cignal Channel 24, Converge 74, at sa digital media sa Cignal Play at sa social media pages @BNC sa Facebook at YouTube.

WILLARD CHENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with