Sandara, inisnab ng DOT

Ba’t kaya inisnab ng Department of Tourism si Sandara Park at kumuha ng Korean star na magpo-promote ng ating bansa sa Korea?
Inihayag nga ng Department of Tourism (DOT) headed by Secretary Christina Garcia-Frasco at ng Tourism Promotions Board Philippines (TPB) na ang South Korean actor /singer na si Seo In Guk ang magsisilbing Celebrity Tourism Ambassador ng Pilipinas para sa Korea.
Ang agreement daw na ito ay naglalayon na palakasin ang umiiral na matibay na ugnayang pangkultura at turismo sa pagitan ng Pilipinas at South Korea, na ngayon ay pangunahing pinagmumulan ng mga international visitor sa Pilipinas.
Pero hindi kaya naalala ng DOT na kaya maraming naengganyong pumunta sa ating bansa na Koreano ay dahil sa matiyagang pagpo-promote ni Sandara kung saan nagdadala pa siya ng ibang mga South Korean celeb para nga bisitahin ang magagandang lugar sa ating bayan?
Hindi naman nagkakalayo ang popularity nina Sandara at Seo In Guk kung tutuusin.
Baka nga kung si Sandara pa ang ginawa nilang Tourism ambassador hindi sila nagbayad ng malaki.
Bilang bahagi diumano ng partnership na ito, magsasagawa ang Seo In Guk ng mga promo sa pagbisita sa mga sikat na lugar tulad ng Boracay, Cebu, at Manila. Na lahat ay na-promote na ni Sandara sa kanyang mga social media platform.
Awws. Aware kaya si Sec. Frasco sa ginagawa ni Sandara?
- Latest





















