^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn, nagkita sa kasal nina Zanjoe at Ria!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Daniel at Kathryn, nagkita sa kasal nina Zanjoe at Ria!
Kathryn Bernardo, Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Ayaw pa rin ni Sylvia Sanchez magbigay ng pahayag kaugnay sa pagpapakasal ng kanyang anak na si Ria Atayde kay Zanjoe Marudo.

Naintindihan naman namin dahil ayaw na lang niya sigurong  sagutin ang iba pa na­ming katanungan.

Isa na rito ay kung nagdadalangtao nga ba si Ria.

Kahit itinanggi ito ng kapatid ni Ria na si Gela, naniniwala pa rin ang karamihan na buntis nga ang aktres.

Tanong nga ng iba, bakit kailangan nilang magpakasal agad?

Parang kagaya rin daw noon ng kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, na dahil sa pagbubuntis ng Kapuso actress, nagpakasal na agad sila.

So far, ang nakita ko lang sa pamilya ni Ria na nag-post ng kasalan ay si Cong. Arjo Atayde na binati ang bagong kasal.

Muling binalikan ko ang Instagram account ni Sylvia, doon ko napansin na kuha pala sa reception ng kasal ang photo nilang mag-ina.

May nakapag-post na rin kasi sa ginanap sa reception nina Ria at Zanjoe.

Nakunan doong nagkakasiyahan sina Daniel Padilla, Joshua Garcia, Darren at nandun din si Kathryn Bernardo.

Pero ayon sa ilang napagtanungan namin, mga pamilya lang daw talaga ang dumalo sa civil wedding nina Ria at Zanjoe na ginanap Quezon City Hall, na kung saan si Mayor Joy Belmonte ang nagkasal sa kanila.

Dalawang pares lang daw ang ninong at ninang, pero hindi lang nabanggit ng aming source kung sino sila.

Mga pamilya lang ang kasama sa litrato na ipinost ni Cong. Arjo.

Ang isa pang narinig namin, meron pa raw silang church wedding.

Posible kayang pagkatapos manganak kung totoo ngang buntis siya?

Congratulations sa bagong kasal!

Direk Louie, nagpaliwanag sa basher na film critic

Hindi nakapagpigil si direk Louie Ignacio na buweltahan ang isang critic na nag-review ng pelikula niyang Slay Zone.

Hindi naman niya binanggit ang pangalan. Basta alam na raw ng taong ito na siya ang tinutukoy ni direk Louie.

Aniya, “’Yung mga basher ng pelikula ko, hindi ko naman sinasabing gustuhin n’yo ang pelikula ko.

“’Yung mga nagmamahal ng pelikula ko ay ‘yun ang ‘yung parang natutuwa ako, at least hindi n’yo sinisira ‘yung ano e… ‘yung pagkakataon namin na magpakita ng pelikula namin sa tao.

“At sana ‘yung mga basher na yan… kumbaga sa kaibigan, magkaroon kayo ng pakikisama.

“Hintayin n’yo muna maipalabas. Huwag n’yong husgahan habang pinapanood ng mga tao. Huwag kayong pakialamera… unahan ang mga taong siraan sila. Baka hindi kami panoorin.

“Tulad nung last na ginawa kong pelikula, sobrang nasa top 10 worst film daw niya.

“Tapos, isa siyang kritiko daw na nag-iisa lang siya sa mundo. So jury din siya?”

Ipinagmamalaki ni direk Louie itong huling pelikulang ginawa niya, ang Abe Nida na nagwagi sa 10th Emirates International Film Festival at umiikot pa ito sa iba’t ibang filmfest abroad.

Mga kritiko naman daw ang nagdya-judge sa mga pelikulang kalahok.

“Pero asan ‘yung pelikula ko sa abroad? Puro kritiko rin ang nanood, pero siya ang nanalong Critic’s Prize, ‘di ba?

“So, kung ano ‘yung trip mo, huwag mo nang angkinin mo na lang ‘yan at baka magka-level kayo ng utak mo.

“Ang sa akin, nirerespeto ko ang reviewers. Gusto kong bastusin ang mga bashers.

“Iba kasi ang reviewers sa bashers. Karespe-res­peto ang mga reviewer, ang mga basher, naninira ng pelikula.

“Bashing ‘yun. Sinisiraan niya ang pelikula. Sinisiraan niya para hindi mapanood ng mga tao.

“Ang mga nagre-review, tinitingnan kung anong klase ng pelikula. Alam mo ang mga taong reviewers, karespe-respeto ang pagkakasulat,” sabi pa ni direk Louie Ignacio.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

KATHRYN BERNARDO

RIA ATAYDE

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with