^

PSN Showbiz

Sarah, alagang-alaga na ulit ng kanyang mommy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah, alagang-alaga na ulit ng kanyang mommy
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Noong Sabado at Linggo ay ginanap ang Green Market sa G Studios sa Alabang na pina­ngunahan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Talagang suportado raw ng mag-asawa ang isa’t isa sa katatapos lamang na plant-based market event. “He made me realize na I can do so much more. I can be so much more. Very supportive, at saka doer. Ako po, hanggang idea lang. Siya ang nag-e-execute. Parang itong G Studios namin, sila talaga ng Papa niya, really made this happen,” bungad ni Sarah.

Ngayon ay madalas na muling nagkakausap ang singer at ang inang si Divine Geronimo. “Yes, thank you Lord. Totoo naman ang mommies po natin ang heroes natin. Our parents ang heroes natin, I love you, Ma,” paglalahad ng Popstar Royalty. 

Palagi ring pinapadalhan ni Mommy Divine ang singer ng mga pagkain na nagmula mismo sa kanilang farm sa Tanay. “Si Mama ko rin nagbebenta ng fresh produce niya. Fruits, binibigyan ako ni mama, red rice, ganyan, favorite ko,” pagbabahagi pa ng singer.

 Samantala, mahigit apat na taon nang kasal sina Sarah at Matteo. Nakahanda na umano ang mag-asawa na bumuo ng sariling pamilya ngayon. “When it comes, we will be grateful. God willing,” nakangiting pahayag ni Sarah.  

Albie, room growth ang tingin sa paghuhubad sa pelikula

Bukas nang muli si Albie Casiño sa posibilidad na magkaroon ng katambal sa mga gagawing proyekto. Napapanood ngayon ang aktor sa Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Sumikat din sa naturang serye ang bagong tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings. “Before I would be, ‘I am over it, I am turning 31. I am done with that era.’ But then we have KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino). So who knows? And even to a lesser extent since she is still young. Si Maris and Snoop (Anthony), she had been here for a long time. She is known as a solo artist,” paglalahad ni Albie.

Mapapanood na sa Vivamax simula ngayong araw ang pelikulang Kasalo kung saan isa sa mga bida si Albie. Pangatlong proyekto na ito ng aktor sa Vivamax.

Para kay Albie ay kinailangan niyang magpaka-daring dahil hindi pa niya ito nagawa noon. “I think I am still a mainstream actor. But I’ve been acting so long, this was something I have not done. Room growth, I like the challenges, do new things,” giit niya.

Para kay Albie ay hindi lamang siya basta nagpapaseksi sa pelikula. Ayon sa aktor ay talagang tumulong din siya upang mas mapaganda pa ang naturang Vivamax film. “At first, you’d think it is sexy. But the first script I did opened my eyes. The end, there is a twist, the part where I pick up the baby and carry him out. That was me. I told direk that would be cool. Also, the part where I broke down, I suggested it,” kwento ng aktor. — Reports from JCC)

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with