^

PSN Showbiz

Vice, may natanggap na pinakamalalang regalo!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice, may natanggap na pinakamalalang regalo!
Vice Ganda
STAR/ File

Simula April 6 ay mapapanood na ang It’s Showtime sa GMA Network. Masayang-masaya si Vice Ganda dahil kasabay ng selebrasyon para sa kanyang kaarawan ang kanilang kauna-unahang episode sa GMA. “It’s gonna be a double celebration. Kasi ‘yung April 6 naka-schedule for my birthday episode bago pa nagkaroon ‘tong turn of events na pumirma sa GMA, nabuo namin ‘yung birthday episode. So tamang-tama, madadagdagan doon sa unang birthday episode. Hopefully, marami kaming makuha na mga star ng GMA sa araw na ‘yon para maramdaman talaga natin ‘yung sanib-pwersa and collaboration just like what we did sa GTV,” nakangiting pahayag ni Vice.

Matatandaang nagsimulang umere sa GTV na pag-aari din ng Kapuso network ang naturang noontime show noong isang taon. Wala na raw mahihiling pa para sa kanyang espesyal na araw si Vice. “Feeling ko ito ‘yung pinakamalaki na natanggap ko. Itong oportunidad na makasampa sa GMA, makapag-reach ng mas malaking audience. Malaking blessing ito sa It’s Showtime and napakahalaga sa ‘kin ng pamilyang ito. Ito na pinakamalalang gift,” makahulugang paglalahad ng It’s Showtime host.

Jayda, dumanas ng hirap sa career

Aminado si Jayda Avanzado na hindi naging madali para sa kanya na makilala sa show business. Nakilalang magagaling na singer ang mga magulang ng dalaga na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

Ayon kay Jayda ay pinayuhan siya ng mga magulang nang sumabak sa showbiz. “Ngayon kasi mass media consumption. There’s so many platforms. You can be famous on TikTok or famous on YouTube but other people won’t. That’s always the challenge, and yes, it is difficult. But I love a good challenge. I think I welcome that but even if I say that I welcome that, hindi ibig sabihin na hindi ako nafu-frustrate minsan as an artist. It’s part of the journey siguro. On some days I’m able to handle it better, but it’s not easy,” pagtatapat ni Jayda.

Bukod sa pag-arte at pagkanta ay nakapagsusulat na rin ng sariling awitin si Jayda.

Kamakailan ay inilunsad ng singer ang Right Lover, Wrong Time na isinulat mismo ng dalaga.

Tinulungan si Jayda ni Dingdong na mas mapaganda ang lyrics ng bagong kanta.

Pinagawa raw na Tagalog ni Dingdong ang lyrics upang mas maramdaman ito ng ating mga kababayan.  “It happened casually. I do that a lot with my parents. I always say this as a joke. He’s like the last line. I value his opinions, I do have him hear my songs. Siguro for him obviously he has credentials to back it up and he knows what he’s talking about. Noong narinig niya, nakita niya siguro ‘yung mga inflections of the makings of an OPM song. I feel like that’s where it all began. The whole concept of that. Gusto ng mga Pilipino ‘yung medyo martyr, medyo may hugot, masakit, gusto ‘yan ng Pinoy. So when he heard, he immediately thought na ‘pag Tinagalog mo siya, mas lalong ramdam siya,” pagbabahagi ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with