^

PSN Showbiz

Ang Pangangabog ni Ms. Anna

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko personal na kakilala ang sikat na negosyanteng si Ms. Anna Magkawas pero dahil sa social media, nagkatagpo kami. (at nag-feeling close agad ako ha!) Nagkaroon kami ng simpleng pag-uusap sa chat noong pagbubukas ng 2024 at ‘yan ang nagbigay sa akin ng pagkakataong maging bahagi ng isang malaking selebrasyon ng kanyang ipinagmamalaking Luxe Beauty and Wellness Group. (ang bilis, may raket agad!)

Ako ang kinuha n’ya para maging red carpet host sa Unkabogable Thanksgiving Party ng Luxe kamakailan sa City of Dreams. (eto na kaya ang sagot sa aking dreams?!) Ang role ko ay salubungin ang mga guests at interviewhin. (in fairness wala akong inokray ha!)

Bida syempre d’yan ang mga distributors, sellers at business partners na um-effort sa orange outfit na tema ng gabi. (mahihiya ang mga ponkan sa paandar!) May kakaiba silang energy. Makikita mong masaya sila at punong puno ng pag-asa. (feeling  ko malaki mga kita ha, ask natin si RJ na super assistant ni Ms. Anna!)

Hindi rin mawawala ang mga dumating na mga celebrities at influencers tulad nina Dimples Romana, Aubrey Miles, Small Laude, Dominic Roque, Dani Barretto, Connie Sison, Pinky Tobiano, Pau Fajardo, Alexa Ilacad, Deana Wong, Maxine Trinidad, Mary Lite and Roy, Ms. Jes, Lei Ang  at marami pang iba. (star-studded mga ‘day!)

“Sabi nga nila, surround yourself with positive and inspiring people, people who truly believe in your potential and are there to offer you encouragement, constructive feedback and emotional support through both challenging and successful times.” Pagbabahagi ni Ms. Anna. (lagi ako tatabi sa’yo!)

Bongga rin syempre ang unang pagkikita namin ni Ms. Anna. Lumapit ako sa kanya at nagpakilala. Napasabi na lang s’ya ng “May ganon?!”  Nag-selfie agad kami kasama ang kanyang asawa na si Sir Mel, dahil marami pa silang ganap nung gabing ‘yun. (marami silang pasabog mga ateng!)

Bilang Unkabogable ang title ng party, ipinakilala nila ang pinakabago nilang endorser, ang nag-iisang Vice Ganda. (na syempre hindi nagpakabog sa outfit at spiels!)

Unang napansin si Ms. Anna sa online selling ng mga branded bags. (ay maka-harbat nga!) hanggang sa inilunsad n’ya ang Luxe products na bumulusok na parang bulkan! (ayaw paawat!) 

“ I can’t help but feel a surge of pride. Not just the achievement we’ve shared, but in the journey that led us here. Our story, like many others, began with a dream and determination to turn that dream into reality. “ Paglalahad ni Ms. Anna.  (ay makiki-join ako d’yan sa reality! ) 

 (Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

vuukle comment

ANNA MAGKAWAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with