Bela, pinatulan ni Barbie?!

Ayaw sumagot ng isang source, pero usap-usapan na diumano’y pinatulan ni Barbie Imperial ang pagtataray sa kanya ni Bela Padilla sa taping nila sa magtatapos na seryeng Blood vs Duty.
Feeling entitled daw kasi Bela sa set at gustong pabawasan ang mga eksena ni Barbie.
At minsan daw ay tinalakan pa nito si Barbie sa text na pa-English-English pero ‘hinamon’ daw ito ni Barbie at sinabing mag-usap sila in person.
Ayon pa sa usap-usapan, umaarte pa raw si Bela na ayaw niyang makasama si Barbie sa mga mall show nila.
Aside from Barbie, totoo raw na hindi in good terms sina Bela at Kim Chiu sa kasalukuyan.
Ang dami rin daw hanash ng actress tungkol kay Kim na nakakarating daw sa huli. Kaya friends no more na raw sila.
- Latest




















