^

PSN Showbiz

Wish ko Hunk

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Maliban sa mga one-on-one interviews ko sa mga boylet sa Youtube Channel naming WTFu, gumagawa rin kami ng mga “reality episodes.” (wow may budget!) Isa sa patok sa viewers namin ang Wish Ko Hunk.  (ako na ang feeling Vicky Morales ha!) Dito ay kumukuha kami ng lucky letter sender na subscriber (dinaig ang MMK!) at inaalam kung sinong hunk na naging guest na namin ang gusto niyang makasama nang buong araw.

Pagbibigyan namin ito.  (hanggang sa maloka s’ya sa mga activities nila toge-ther!) Ito ay bilang pagpapasalamat na rin sa aming mga loyal subscribers na walang sawang sumusuporta sa kalandian namin. (pero hoping kami na mabigyan ng CMMA award ha!)

Sari-sari ang kwento ng mga sumasali. May malungkot, may nakakatawa.

Pero isa ang hangad, maka-date ang crush nilang hunk. (ayaw magpaawat!) Ilan sa mga nagpaunlak na hunks noon ay sina Indie Actor JM Martinez, Adult Content Creator Mark Magada, Bikini Model Ronnie Palermo at Online Personality Kennedy Nakar na sumakabilang buhay kamakailan dahil sa karamdaman.

Lahat sila ay naging game sa inihandang set of activities sa date nila sa aming subscriber. May mga wholesome na pagkikita at meron din namang naging mapangahas. (may shower scene ha!)

Due to insistent public demand, (wow may demand ha?!) ibinabalik namin ang paggawa ng Wish Ko Hunk.

Si LA na isang gay call center team leader ang napili ng aming team na makasama sa bagong episode na ito. Ang Adult Content Creator na si Drogo ng Sapang Bato ang kanyang  wish na makasama.  Isa ang interview ko kay Drogo ang tinutukan ng sangkabaklaan sa WTFu. (iba rin daw kasi kung tumutok ng…atensyon itong si koya sa kanyang followers!)

Based na sa Australia si Drogo. Nagtatatrabaho na s’ya sa isang pribadong kumpanya pero tuloy pa rin sa paggawa ng adult content. (united colors of Benetton na ang  ka-collab!).

Pero sa pagbabakasyon n’ya sa Pinas, hindi s’ya nagdalawang-isip na pagbigyan ang Wish Ko Hunk ng WTFu at si LA. (ganda mo gurl!)

Sa WTFu studio unang nagkatagpo sina Drogo at LA.

Syempre nandyan ang pa-blindfold muna kay LA at pa-kapa-kapa kay Drogo bago n’ya tuluyang nasilayan ang kanyang pangarap na hunk. (nanginig ang kalamnan ni ateng!) Nagkakwentuhan muna ang dalawa habang hinihintay ang sasakyan na magdadala sa kanila sa mga inihandang activities ng team. (getting to know each other level muna!) May ilang mga lugar silang pinuntahan.

May mga ginagawa sila bilang magka-date nung araw na ‘yun.

Lahat ng ‘yan ay ipapalabas sa Wish Ko Hunk ng WTFu ngayong December. (may pasabog si Drogo! Dahil ang hunk na ‘yung pangarap dito mo malalasap sa Wish ko Hunk!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

vuukle comment

WTFU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with