^

PSN Showbiz

Comedy show ni Vic, ililipat na sa TV5

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Comedy show ni Vic, ililipat na sa TV5
Vic
STAR/ File

Puputulin na nga yata ni Vic Sotto ang pakikipag-collab sa GMA Network dahil ang susunod niyang comedy show ay sa TV5 na. Saka, ang MQuest Ventures na ng TV5 ang ka-collab ng kanyang MZet TV Productions sa bago niyang show.

Nakita namin ang post ni Director Chris Martinez na photo ni Vic  at may caption na “Coming in 2024! An all-new, all-out comedy show! From MQuest Ventures and MZet  TV Productions! Soon on TV5!”

Mana Mana ang magiging title ng comedy show at si Vic pa lang ang nasa cast, saka na siguro i-a-announce ang mga makakasama pa niya.

May request na isama si Maine Mendoza at si Arjo Atayde sa programa para magkasama ang mag-asawa. May request namang si Atasha Muhlach para may acting project na rin ito bukod sa pagho-host sa E.A.T.

Tatapusin na lang siguro ni Vic ang comedy show niya sa GMA-7 na Open 24/7 at aalis na siya sa Kapuso Network .

May mga kasama siya sa E.A.T na puwedeng isama sa comedy show gaya nina Allan K, Ryzza Mae, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros at sina Wally Bayola at Jose Manalo.

Sharon, mahigpit ang yakap kay Goma!

Ang positive ng comments sa post ni Sharon Cuneta ng photo nila ni Richard Gomez na magkayakap at parehong masaya nang magkita sa airport. Si Sharon papuntang Cebu para sa Dear Heart show nila ni Gabby Concepcion sa NuStar Convention Center, si Goma pauwi ng Ormoc City.

Hindi lang nabanggit ni Sharon kung the same flight sila ni Richard. Nagkagulatan, pero parehong masayang-masaya.

Ayun na nga, puro positive ang mababasang reaction ng fans at non-fans, lalo na nang banggitin ni Sharon na “all is well” na sa kanila ni Goma.

May naligaw lang na medyo negative ang comments na mabilis namang binugaw ng fans.

Tanong kasi nito, bakit sa mga larawan ni Sharon na lalake ang kasama, siya lagi ang naka­yakap?

Ang pa intriga pang tanong ay kung kasal pa rin sina Sharon at Kiko Pangilinan?

Hindi ba ang negative ni ate Gurl?

Sagot sa kanya ng fans, kung kilala niya si Sharon, ganu’n ang personality nito, very warm and very sweet at touchy pa.

Hindi raw dapat binibigyan ng ibang kahulugan dahil pati female friends at kahit nga fans, niya­yakap ni Sharon, lalo na kapag matagal nang hindi nakikita at ‘yun ang nangari sa kanila ni Goma.

Marumi raw ang isip ng nag-comment na ‘yun at ibinalita na rin sa kanya na kasal pa rin at nagsasamang masaya sina Sharon at Kiko.

Masuwerte raw si Sharon na may asawang mabait at understanding at hindi pinagseselosan ang mga ganitong eksena.

Sa susunod, si Alden Richards naman ang makikitang kayakap ni Sharon dahil magsisimula na silang mag-promote ng MMFF entry nilang Family of Two. At hindi lang niyayakap ni Sharon si Alden, hinahalikan pa.

Shaira, handang pasampal kay Claudine

Claudinians pala si Shaira Diaz, kaya tuwang-tuwa na kasama sa cast ng Lovers/Liars na pinagbibidahan ni Claudine Barretto. Pinanood daw niya ang mga pelikula ni Claudine kahit sino ang kapareha nito, ang favorite niya ay Dahil Mahal na Mahal Kita with Rico Yan.

Hindi namin naitanong kay Shaira kung may eksena na sila ni Claudine, pero nagtanong na siya sa scriptwriter kung may eksenang mag-aaway sila ng idolong aktres. Mangyayari ang banggaan ng dalawa dahil ang role ni Shaira ay ex-GF ni Yasser Marta na magiging boy toy ni Claudine.

Kahit daw saktan siya ni Claudine sa eksena, welcome kay Shaira na masampal siya dahil gusto nitong ma-experience kung paano masampal o masabunutan ni Claudine. Basta kahit anong eksena nila, welcome sa kanya.

Ngayon lang uli nagka-teleserye si Shaira, ang last niya ay Lolong at kaya siya visible dahil nasa Unang Hirit siya.

Masaya siya to be busy again at kahit nag-aaral, wala raw siyang schedule na masisira dahil kaya niyang pagsabayin ang school at showbiz career niya.

Samantala, sa Monday na, November 20, 3:25 p.m., sa GMA-7, ang premiere ng Lovers/Liars sa direction ni Crisanto Aquino.

vuukle comment

CHRIS MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with