^

PSN Showbiz

Female star, laging may nakabuntot na taga-unat ng buhok

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nakasunod ang isang taga-ayos ng tumitikwas na buhok ng isang female star na nagbibida at kontrabida sa mga series ngayon.

Eh hindi lang kasi si female star ang nag-iisang babae sa series kaya naman ayaw rin niya marahil matalbugan ng mga ito sa event na pinagsamahan nila.

Hindi naman namin minemenos si female star na maganda at makinis rin ang balat. Kaya naman siya ang pinili ng male partner niya ngayon kumpara sa iba niyang nakarelasyon.

Sa ganitong eksena ng pag-aayos ng buhok, naalala tuloy namin ang isang sikat male singer na meron ding taga-ayos ng kanyang bangs at buhok bago lumabas sa stage upang mag-perform.

Sa kaso ni female star, one of those female stars lang naman siya dahil ang bida ng series ang focus ng atensiyon ng lahat, huh!

Claudine, seven years namahinga sa TV

Ginawang  basehan ng bagong collaboration ng GMA at Regal Entertainment ang pelikulang Bayarang Puso upang mabuo ang konsepto ng series na Lovers/Liars na magsisimula na sa November 20.

Nagbabalik sa series ang Optimum Star na si Claudine Barretto matapos ang mahigit pitong taong mamamahinga sa TV at movies.

Sa series, nagkaroon ng katuparan ang wish ni Roselle Monteverde ng Regal na makatrabaho si Claudine gayundin si Joey Abacan ng GMA.

Sa panig naman ni Clau, kanyang ibibigay hindi lang 101 percent ang kahusayan niya kundi 1 million percent sa pagbabalik niya.

Kasama ni Clau sa series sina Kimson Tan, Yasser Marta, Polo Rava­les, Lianne Valentin, Shaira Diza, Michelle Vito at marami pang iba.

Abangan ang mabagsik na pagbabalik ni Claudine sa Lovers/Liars!

vuukle comment

FEMALE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with