^

PSN Showbiz

Mr. Barangay na willing gawin lahat sa harap ng camera

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Ang lola niyang barangay captain ang naghimok kay Reynard Bernisca para sumali sa kauna-unahan niyang male pageant sa Quezon.  Ito rin ang naging daan para makasalang pa s’ya sa iba pang mga contest.  (mukhang maraming boys sa barangay ni lola!)

“Yung lola ko kasi noon kapitan ng barangay. Sinali n’ya ako. Tapos nagka-title ako sa Polilio. May mga lumapit na sa’kin, may mga tumulong para makasalang naman ako sa ibang mga pageant hanggang sa national pageant.” Pag-alala ni Reynard. (baka may nagbigay na rin sa’yo ng land title ha!)

Bata palang daw siya, naiisip na niyang rumapa sa stage. Kaya nung pwede na ang kanyang edad, nilakasan na n’ya ang loob n’ya. (lumakas naman tibok ng puso ko sa’yo, bro!)

“Sinubukan ko lang naman. Nandyan na eh. Bakit ‘di mo subukan nang subukan, lalo na ‘yung mga gusto mong gawin. Pangarap ko rin kasi ito. Dati kasi ‘di ako sumasali. Tapos nung sumali at nanalo, ah masarap pala sa pakiramdam. “ Pagpapaliwanag ni Reynard.  (bro, parang masarap ka nga…kasama!)

Sinisigurado rin daw n’ya na itinotodo n’ya ang kanyang performance para sa mga sumusuporta sa kanya. “Nakakatuwa ‘yung pinapanood ka at nagpapalakpakan sila sa’yo. Hindi naman ako naiilang na maraming nakatingin sa akin….” (sure ka ba d’yan, bro?!)

Sanay na rin daw ang senior high school student na ito na magbikini sa harap ng mara-ming tao. ““Nakita ko nga ‘yung mga kasama ko sa pageant, naglalagay sila ng tissue sa loob ng bikini o trunks nila. Sabi ko bakit kailangan pang lagyan. Ako ‘di ko nilalagyan. Ok nang ganyan lang.” (‘yung iba tissue, ‘yung iba tuwalya na ata nilalagay!)

Sa kanyang guest appearance sa aming Youtube Channel na WTFu, inamin ng 19-anyos na binata na ang mga pagsalang n’ya sa mga contest na ito ay isang paraan niya para mapasok din ang showbiz. Wala raw syang sasayaning pagkakataon ‘pag dumating ang oportunidad na makapag-artista.

“Kaya kong gawin kahit ano pa ‘yan. ‘Di na ‘ko mag-iinarte sa sarili ko. Malay ba natin kung ‘yung pala ang daan para makilala.” Pagbibida ni Reynard. (‘di rin ako aarte sa’yo, bro!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. 

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

 

vuukle comment

PAGEANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with