^

PSN Showbiz

Loisa at Ronnie, pinag-iipunan na ang kasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Loisa at Ronnie, pinag-iipunan na ang kasal
Loisa at Ronnie

Mahigit pitong taon nang magkasintahan sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Sa loob ng mahabang panahon na magkarelasyon ay nagkaroon na rin ng problema ang dalawa noon. May pagkakataon daw na hindi naging tapat ang aktor sa dalaga pero napatawad pa rin ni Loisa si Ronnie. “Kasi wala rin naman talagang perfect na tao. Kahit ako hindi rin naman ako perfect. Sige, sabihin na nating magkakaroon din ako ng bagong relationship, for sure hindi rin naman magiging perfect ‘yon eh. Kaya nga sabi nila, ‘I’d rather have bad times with you, than good times with someone else.’ Parang okay na ‘yung may pinagdadaanan kayong ganyan. Importante malalampasan n’yo ‘yon. ‘Yon dapat ‘yung goal. Hindi ‘yung maghihiwalay kayo nang dahil lang do’n. Kasi kung sa maliit na bagay nga, naghiwalay kayo, paano pa ‘yung malalaking bagay na dadating pa sa inyo?” makahulugang pahayag ni Loisa.

Madaling napatawad ng aktres si Ronnie dahil ipinagtapat din kaagad ng binata ang tunay na pangyayari. “Hindi lang talaga mahirap magpatawad. Talagang tao din kasi ‘yung mga nagpapakomplika ng mga ganyan. Kasi para sa atin din naman ‘yon eh. ‘Pag pinatawad natin ‘yung tao, magkakaroon tayo ng peace sa sarili natin. And in fairness naman sa kanya, deser­ving naman siya. ‘Yung point na inamin niya ‘yung pagkakamali niya, ‘yon ‘yung malaking bagay. Kasi marami akong kilala sa past relationships ko na huling-huli mo na, hindi pa umaamin. So mas mahirap patawarin ‘yung mga huling-huli mo na, todo-deny pa. pero siya aminado siya at hindi na niya uulitin,” giit ng dalaga.

Kahit matagal nang magkarelasyon ay hindi pa naman daw napag-uusapan nina Loisa at Ronnie ang tungkol sa pagpapakasal. Mas mahalaga para sa aktres na pagtuunan muna ng panahon ang kanya-kanyang trabaho upang makaipon. “Hindi pa namin talaga pinag-uusapan kasi focused muna kami sa kanya-kanyang work. Siyempre ipon muna. Kasi ‘yung pagse-settle down madali lang ‘yan eh, basta kaya na namin. Pero wala pa ngayon, siguro after 5, 8 or 9 years,” pagtatapos ng aktres.

Sina Ronnie at Loisa ay kabilang sa mga bida ng teleseryeng Pira-Pirasong Paraiso na napapanood sa Kapamilya Channel at TV5 tuwing hapon, 3 p.m., at Saturdays, 2:30 p.m.

Empoy, parang nananaginip nang makatambal si Cristine

Hindi kailan man sumagi sa isipan ni Empoy Marquez na makakatambal si Cristine Reyes sa isang pelikula. Simula Sept. 6 ay mapapanood na sa mga sinehan ang Kidnap for Romance na pinagbibidahan ng dalawa. Huling nagkatrabaho sina Cristine at Empoy sa teleseryeng Kahit Isang Saglit na pinagbidahan nina Carmen Soo at Jericho Rosales noong 2008. “Parang nananaginip ako nang malaman ko ‘yun. Para sa akin, laru-laro pa rin ang pagkakataon. Thankful ako na binigyan ako ng Viva ng pagkakataon at nagkaroon sila ng tiwala ulit sa isang katulad ko,” paglalahad ni Empoy.

Matatandaang pumatok din sa talikya ang tambalan nina Empoy at Alessandra de Rossi sa pelikulang Kita Kita noong 2017 at Walang Kaparis ngayon taon lamang. Ayon sa aktor ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang bagong tambalan nila ni Cristine dahil ibang-iba ito sa lahat ng kanyang mga nagawa. “Iba naman ang tandem namin ni Alessandra. Kami ni Cristine, iba naman ang ipapakita namin dito sa Kidnap for Romance. Hindi naman ako na-pressure dito. Eksakto lang, ang aim namin magpasaya ng tao,” pagbabahagi ng komedyante. (Reports from JCC)

vuukle comment

LOISA ANDALIO

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with