^

PSN Showbiz

Pokwang, pasok na bagong host ng EB?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pokwang, pasok na bagong host ng EB?!
Malia at Pokwang

Ang daming usap-usapan sa Eat Bulaga at Tito, Vic and Joey.

At ang sabi, eere na ulit nang live ang longtime noontime show starting Monday.

Kasama diumano sa magiging host si Pokwang na tuloy ang hanash na by the way ang last na emote tungkol sa ex na si Lee O’Brian “may nag comment na babaeng nag papaka korean sa puti sa IG nya sabi ni gurl, hi kyeme nice to meet you last night hahaaha tapos super delete si kano sa comment ni gurl wag daw sa comment section kasi dapat daw sa DM girl para di buking ng ibang kalandian nya tanga ka kasi ayan… ngayon palang dini deny kana hahahaha susme! at si Kuya Kim Atienza.

Samantala, nauna nang nagpaliwanag si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes tungkol sa isyung mas kinampihan diumano ng network ang new management ng TAPE, Inc. “It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan,” chika ni Atty. Annette sa panayam ng 24 Oras.

Dagdag pa niya : “Pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin. Kaya lang, sa totoo, hands-off ang GMA diyan, it’s an internal issue between TVJ and TAPE Inc.”

Kumalat kasi ang kuwentong nakitang ka-meeting ng mga Jalosjos si Mr. Felipe Gozon kung saan din sinabi ni former Senator Tito Sotto na hindi naman sila kinausap ng management ng GMA. “From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito, katulad nga ng sinabi ko, it was their internal issue, it wasn’t a corporate issue.”

Paglilinaw niya pa :  “Ang contract kasi ng GMA is with TAPE, wala kaming contract with TVJ as talent or as kasama ng TAPE. Ang contract na ito ay isang block time agreement ang ibig sabihin nito ay parang umuupa sila ng noontime slot sa atin, sa GMA.”

Sa huli ay sinabi niyang bukas daw ang pintuan nila lalo na nga’t may show pa naman sina Bossing Vic Sotto and Wally Bayola na Open 24/7 sa GMA 7.  “I fervently believe that it won’t change because iba naman ang GMA, iba naman ang TAPE. Labas ang GMA sa issues nila with TAPE. Hindi naman sila umalis ng GMA, sa totoo umalis lang sila dun sa show na pino-produce ng TAPE.”

Aktres, iminatch ng nanay sa mayamang personalidad!

Epal din pala ang nanay ng isang aktres. Siya mismo ang nag-effort na ireto ang anak sa mayamang personalidad. Parang gusto raw ng nanay ng aktres ang shortcut sa buhay, ‘yung tipong instant yaman kaagad.

Kaso ‘di raw sumunod sa ina ang anak na aktres. Sinuway ang magulang.

Dahil in love ang actress, talagang dinedma raw nito ang ina.

Kalmado na raw ang relasyon ng mag-ina at pinanindigan ng anak ang desisyon niya kahit isumpa-sumpa pa siya ng ina.

vuukle comment

ACTRESS

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with