^

PSN Showbiz

Ayaw na ulit maging NPA... Kim bumili ng building

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ayaw na ulit maging NPA... Kim bumili ng building
Kim Chiu
Philstar.com / Kat Leandicho, file

Maingat si Kim Chiu sa pera.

‘Yun ay dahil nanggaling talaga sila sa wala.

At alam na raw niya ang pakiramdam nung nasa baba at walang-wala.

Sa media conference ng kanyang latest endorsement for Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners, inamin niyang ayaw na niyang bumalik sa ganun kaya talagang nagtrabaho siya at nag-invest.

Kabilang sa kanyang investment ang isang brand new vacation house sa isang malamig na lugar at isang building sa Cagayan de Oro.

“Siguro kasi alam ko lang ‘yung feeling ng walang pera so parang alam ko kung papaano ko itago talaga and ipunin talaga dahil ayaw ko nang bumalik sa panahon na walang-wala naman talaga kami.

“So parang alam ko kung anong feeling ng wala so alam ko rin ang feeling ng meron. Kaya I’m working really hard for myself, for my family. And ayoko na  makabalik doon,” banggit niya.

Dagdag pa niya : “Sino ba naman ang gusto? Parang nandito ka na tapos biglang mahuhulog ka ulit sa wala. So isa ‘yun sa ini-instill ko sa buhay ko na hindi na ako babalik doon. Ito na ako so I really have to take care of money,” kuwento pa ni Kimmy na pormal na pinakilala ni Ms. Aileen Choi-Go, Vice President ng Megasoft Hygienic Products, Inc. bilang endorser nila.

Naalala rin ni Kim yung panahon na NPA sila.

“Yearly talagang iba-iba kasi ‘yung school ko noon. Napadpad na ako sa GenSan, Cebu, Cagayan de Oro, Mindoro, umabot pa ako ng Zamboanga, Tacloban, Ormoc. Kung saan-saan ako napupunta. Napapagod na kaming magkakapatid kasi iba-iba ‘yung nagpapaaral sa amin. So yearly like summer, April to May, hindi kami sigurado ng mga kapatid ko. “Sinong magi-sponsor sa’tin? Saan naman tayo titira?”

“So NPA kami, no permanent address. So nung time na ‘yun parang ang hirap. “Makakapag-aral pa ba tayo? Makakapag aral pa ba ako this year or hindi. May magi-sponspor ba samin or wala?” So ‘yun yung fear namin every year kung makakapag-aral kami (ako saka ng mga kapatid ko) or hindi. Kaya nung nagka-work ako sabi ko makakagraduate na kayo, okay na tayo,” pag-aalala ng actress sa naging buhay nila nung bata sila bago naging Kim Chiu na hindi pa rin makapaniwala na may mga bagong taong nagtitiwala sa kanya kahit ang tagal na niya sa showbiz.

Sa PBB nag-umpisa si Kim 17 years ago at tanggap niya na isa siyang ‘reality product’ kaya ayaw na niyang ipagdamot ang mga nangyayari sa buhay niya.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with