^

PSN Showbiz

Sino hihirangin bilang The Voice Kids grand champion?

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sino hihirangin bilang The Voice Kids grand champion?

Nalalapit na ang pagtatapos ng The Voice Kids nang ipakilala na ang final three young artists na sina Shane Bernabe, Xai Martinez at Rai Fernandez na maglalaban-laban sa matinding kantahan sa grand finals ngayong weekend (Mayo 20 at 21).

Nakatakdang kumatawan sina Shane, Xai, at Rai sa Kamp Kawayan ni Bamboo, sa Team Supreme ni KZ, at sa MarTeam ni Martin.

Nakakuha ng three-chair turn ang Kiddie Pop Rockstar na si Shane noong blind auditions dahil sa kanyang rendition ng Dukha. Napahanga rin ng Enchanting Siren na si Xai ang mga coach dahil sa kanyang mala-anghel na boses noong battle rounds.

Samantala, pinabilib ng Emotional Balladeer na si Rai ang mga manonood nang maluha-luha niyang inawit ang Ikaw Ay Ako noong sing-offs.

May kapangyarihan ang mga manonood na pumili ng grand champion sa pamamagitan ng pagboto sa joinnow.ph/tvk5. Mahigpit na nagpapatupad ang The Voice Kids ng isang (1) boto sa isang account lamang.

vuukle comment

KZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with