^

PSN Showbiz

Inah, malaki ang sakripisyo bago nakatapos!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Inah, malaki ang sakripisyo bago nakatapos!
Atty. Inah Revilla del Rosario

Siguro nga over the moon ang happiness nina Bong Revilla at Lani Mercado sa pagpasa ng anak na si Inah Revilla-Del Rosario sa bar exam.

Isa nang ganap na abogado si Inah na matagal na pangarap nina Bong at Lani para sa anak. Talagang pinaghirapan ni Inah na makatapos sa pag-aaral. Kahit may asawa at anak na itinuloy pa rin nito ang pag-aaral hanggang makatapos ng abogasya at heto nga, makapasa sa bar.

Atty. Inah Revilla del Rosario na siya ngayon.

Talagang isang malaking karangalan at sakripisyo talaga ang ginawang pag-aaral ni Inah habang may mga anak na inaalagaan.

Nakaka-proud dahil imagine mo against all odds, ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya para makapagtapos, at nakita iyon ng kanyang mga magulang.

Kaya naman doble talaga ang ligaya na kanilang nadama.

Congrats, Atty. Inah Revilla-Del Rosario, I’m very proud of you dahil parang baby ka na rin namin dahil nakita ka naming lumaki.

Mga pinoy, mahilig sa beauty pageant!

Talaga sigurong mahilig mga Pilipino sa beauty contest. Kahit anong contest makikita mo ang daming sumasali.

Talagang gustung-gusto nila ‘yung pinipili at nakukuha ‘yung marami sa kanila.

At never namang humihinto sa pagsali ‘yung mga talunan.

Talagang either gusto talaga nilang mapasali baka ma-discover sa showbiz o kaya naman magkaroon ng premium dahil sa title na nakuha.

Ginagawa nila itong outlet para makilala at ok lang dahil talagang sa Pilipinas, tuwang-tuwa lahat ng nananalo sa beauty contest.

At imagine, ang dami talagang magagandang babae sa bayan natin, tingnan mo walang katapusan ‘yung mga sumasali, laging mahaba ang listahan.

 

vuukle comment

BEAUTY

INAH REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with