^

PSN Showbiz

OPM icon Jim Paredes, ramdam na nawala na ang tunay na identity ng pinoy singers

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
OPM icon Jim Paredes, ramdam na nawala na ang tunay na identity ng pinoy singers
Jim Paredes

Feeling ng OPM icon na si Jim Paredes ay nawalan na ng identity ang mga Pinoy artist/singer dahil sa impluwensya ng ibang bansa.

Aniya, gusto natin ay ang iniidolo na natin.

“Gusto natin mukha tayong Amerikano, ‘di ba, ganon. All great nations with impact to the world of art, from the very beginning til now came in as locals. China for example, Chinese food, Chinese writing, Japan ganon din, Brazil ganon din. Spanish Latin Americans ganon din, tunog local ‘di ba. ‘Yun ang dapat matutunan natin,” aniya na nawawala na ngayon sa atin dahil parang in a way ay nakakalimutan nating may sarili tayong kultura na dapat ipakilala sa mundo.

“Ano ba ‘yung mga sumikat sa atin na galing sa Philippines, na talagang sarili natin, Jeepney, Anak, Bayanihan. Ilang decades nang nagtu-tour ‘yan, ‘di ba, ba’t gustung-gusto ng tao. In other words, we provide a content na nasa local setting,” aniya pa sa mga sumikat na kantang Pinoy sa ibang bansa.

At ganun sana ang gusto niyang mangyari.

Ang ‘wag kalimutan ang kultura natin.

Kasama ang APO Hiking Society member sa gaganaping concert na The Class of OPM sa May 3, 2023, produced by Echo Jham Entertainment Production in cooperation with Soroptimist with other OPM icons na sina Dulce, Rey Valera, Marco Sison and Buboy Garovillo at The Theatre at Solaire.

vuukle comment

JIM PAREDES

MUSIC

OPM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with