^

PSN Showbiz

Dabarkads, walang kamalay-malay ­ sa mga mangyayari sa relaunching ng EB?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dabarkads, walang kamalay-malay ­ sa mga mangyayari sa relaunching ng EB?!
EB host
STAR / File

“Ewan” lang ang sagot ng ilang Dabarkads nang tinanong namin kung magkakaroon nga ba ng relaunching sa April 17.

Kahit ang ibang Dabarkads din na walang katiyakan kung kasali pa rin ba sila ay “ewan” lang din ang sagot kapag humihingi kami ng update.

Nakorner namin si Maja Salvador sa 2nd anniversary ng Crown Artist Management na bagong Dabarkad pa lang.

Nahihiya naman daw siyang sumagot sa isyung hinaharap ng naturang noontime show dahil bago pa lang daw siya.

Halos dalawang taon pa lang ang aktres sa programa kaya nahihiya naman daw siyang magsalita para sa mga Dabarkads.

Sabi na lang ni Maja; “Sa tuwing papasok po ako ay ini-enjoy ko na lang po.

“Kung ano man yung naririnig natin ay wala po akong karapatan para maki…alam nyo po yun, para may masabi.”

Napapag-usapan ang loyalty sa bosses, nagpahayag si Maja na malaki ang utang na loob niya kay Mr. Tony Tuviera. “I love Mr. T. Malaking pasasalamat ko po sa kanya na kinuha nya ako sa Eat Bulaga, especially kay Ms. Jen (Ferre) also. Kasi nung kinuha nila ako, may pa-segment sila sa akin e.

“Ngayon po, maliban sa mga ganap sa kasal, ayun nga, nagbisi-bisihan kasi ako,” safe lang na pahayag ni Maja.

May ilan pa kaming naririnig tungkol sa latest na mga kaganapan sa Eat Bulaga, pero wala pang may nagkumpirma.

Ang huling nalaman lang namin ay nag-uusap na raw sina Tito, Vic and Joey sa mga Jalosjos, pero wala pa kaming alam kung ano ang mga pinag-usapan.

Basta walang katapusang pag-uusap daw.

Pawang haka-haka lang ang naririnig namin na wala namang kumpirmasyon kung totoo o hindi.

May ilang Dabarkads daw na hindi na isasali. Pero so far, wala pa raw balita kung may bago bang ida­dagdag. Kaya marami pa talagang kuwentong ikagu­gulat na lang natin kung ano na ang mapapagkasunduan sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga.

Malamang, pagkatapos ng Semana Santa ay may ideya na tayo tungkol sa sinasabing relaunching.

Romnick, ‘di naranasan ang burnout!

Pinuri si Romnick Sarmenta sa mga pahayag niya tungkol sa kanyang journey bilang artista na nagsimula pa nung kabataan niya.

Sinabi kasi ni Romnick na wala siyang regrets sa pagiging artista niya kahit nagsimula siya sa murang edad.

Ito na raw ang trabahong kinalakihan niya, kaya wala siyang ibang hahanapin pa at na-enjoy naman daw niya ang kabataan niya.

“At saka maligaya akong ginagawa ko ito. At saka blessing siya, yung mabigyan ka ng pagkakataon. Mabiyayaan ka ng talento, makilala ka ng tao at makatrabaho mo ‘yung mahusay ang mga taong magkuwento ng istorya,” sabi nito.

Pero may mga ilang kabataang artista na dumaraan sa pagka-burnout. Kaya tinanong na rin namin si Romnick kung naranasan ba niyang ma-burnout.  “May time ako na tumigil ako ng ilang taon kasi gusto kong siguraduhin na ang oras ko para sa pamilya ko. Pero hindi ako na-burnout

“Wala akong pinagsisihan dun, kahit na may mga nagsabi na nawala na ako. Hindi ko naram­daman yun kasi choice ko yun e. Hindi sa akin naging mabigat kahit kailan, kung ano man ang sasabihin ng ibang tao. Kasi, pakiramdam ko kailangan kong gawin e. Kailangan kong magbigay ng oras sa pamilya ko, kailangan ko magbigay ng para sa sarili ko.“Kailangan kong maramdaman na may control pa rin ako kahit papano sa mga ginagawa ko,” pahayag ni Romnick nang nakapanayam namin sa DZRH para sa promo ng pelikula nilang pang-Summer MMFF na About Us But Not About Us.

Kaya ang pahayag ni Romnick tungkol sa mga kabataang artistang nabu-burnout sa trabaho; “Pumasok ako sa trabaho na to para habol mo para sumikat at magkapera, mauubos ka talaga.

“Palagay ko, pag hindi buo sa loob mo at hindi malinaw ang dahilan mo, mapapagod ka. Manghihinayang ka at magsisisi ka,” saad pa ni Romnick Sarmenta.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

HOST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with