^

PSN Showbiz

Carmina, may blessing kina Darren at Cassy!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Carmina, may blessing kina Darren at Cassy!
Carmina,Cassy at Darren
STAR/ File

Kamakailan ay nahuli ni Vice Ganda si Darren Espanto na kinakausap si Cassy Legaspi sa pamamagitan ng video call.

Isa ang singer sa mga Hurado ng It’s Showtime kaya nalaman din ng mga manonood ang tungkol dito. Nalaman din ni Cassy ang tungkol sa naging usapan nina Vice at Darren noon. “It’s really funny, sanay naman ako with Ate Vice. So good luck ka (Darren) na lang,” natatawang pahayag ni Cassy.

Matagal nang bulung-bulungan na mayroon ng espesyal na diumanong ugnayan sa pagitan nina Darren at Cassy.

Tanggap na tanggap din ng mga magulang ng dalaga na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi si Darren para kay Cassy. “I’m just happy that they are really good friends. I’m super happy. I’m very comfortable that they are together, hindi naman madalas, together physically. At saka kampante ako kapag magkasama sila sa event hindi ako nate-tense. Kasi kapag sinabi niya, ‘I’ll be with Z!’ ‘Okay!’Basta sa ngayon that they are very good friends, happy ako for them. May blessing ‘yon, ‘yung pagiging good friends nila. What you see is what you get,” nakangiting pahayag ni Carmina.

Masayang-masaya naman si Darren dahil sa tiwala at mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Cassy. “Of course I’m always very grateful. Every time they let me in to their home, that’s something that means a lot to me. Masaya po ako kasi ako po ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ng parents ng Legaspi twins,” paglalahad ni Darren.

Rayver, pinaghahandaan ang forever nila ni Julie Anne

Kahit hindi pa matagal na magkasintahan ay nakikita umano ni Rayver Cruz na si Julie Anne San Jose na ang kanyang mapapangasawa at makakasama sa habambuhay. Matatandaang ipinaalam ng dalawa sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon noong Nobyembre lamang.  “Yes, gano’n naman talaga ako eh. kung iuukol ng Panginoon, bakit naman hindi? Dahil masayang-masaya po ako ngayon. Siya ‘yung nagpapakilig sa akin every day. So nakaka-inspire ‘pag gano’n ‘yung feeling. Yes, for me she’s the one, nakikita ko na makakasama ko habambuhay,” makahulugang pahayag ni Rayver.

Aminado ang aktor na talagang pinaghahandaan na niya ang panibagong yugto sa kanilang relasyon ni Julie. “Hindi naman kailangan talaga ng announcement. Pero kung mayroon man for sure malalaman ninyo naman. Siya ‘yung nag-iisang babae sa buhay ko ngayon. Lagi akong nandito for her. This is it, I’m getting ready. Noon kasi nagre-ready ako for myself. But for now, I’m ready para sa mga future plans ko with her,” pagtatapat ng binata

(Reports from JCC)

vuukle comment

CASSY LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with