^

PSN Showbiz

James, naging nega!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
James, naging nega!
James Reid

Magkasabay na pinag-usapan nung Lunes ng hapon ang last part na interview ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda kay Liza Soberano at ang pagkakabasura ng kasong Rape  at Acts of Lasciviousness laban kay Vhong Navarro ng Supreme Court.

Sa Fast Talk interview ni Kuya Boy kay Liza, doon napag-usapan ang isyu ng aktres sa dating manager niyang si Ogie Diaz, at ang usaping komisyon.

Itinanggi ni Liza ang unang binitiwang pahayag ni Ogie na dalawang taon na raw siyang hindi kumukuha ng komisyon sa dating alaga.

Emosyonal si Liza nang napag-usapan iyun dahil maayos naman daw ang komunikasyon nila ni Ogie, puwede naman daw nilang mapag-usapan iyun ng pribado. Bakit kailangan pa raw sabihin iyun sa publiko.

Kaya ang hinihintay namin ay ang sagot ni Ogie Diaz.

Sa huling vlog niya ay ipinaliwanag niya ito.

Nai-tape na nila ito bago naere ang interview kay Liza at ipinaliwanag ni Ogie iyung usaping komisyon.

Sabi ng comedian at talent manager, “Ang totoo ay nakakakolekta pa rin tayo kahit tapos na yung kontrata. Kasi, kumbaga nag-overlap yung expiration date ng aming kontrata dun sa amin a month or two before the contract expired ay nandun pa yung aking pirma.

“So, kumokolekta pa rin naman. Pero hindi na yung maraming project ipu-push ko kay Liza. Hindi, kasi sinabi naman ni Liza na siya ay magpapaalam na e.

“So, yung mga inquiry pa sa akin ay ibinabato ko naman dun sa bagong management niya. Kung saan, meron kaming group chat.”

Ang tanging hiling na lang ni Ogie ay matapos na ito at sana nga ay hindi na rin magsalita si Liza dahil patuloy lang siyang naba-bash.

Ganundin naman si Ogie, na nakakatikim pa rin ng bashing mula sa mga naniniwala kay Liza.

Samantala, ang isa pang pasabog ding isyu ay ang pagbasura ng Supreme Court ng kasong Rape at Acts of Lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro.

Nag-trending din ito nung Lunes, kasabay nang kina Liza Soberano at Ogie Diaz.

Ang pag-junk ng Supreme Court sa nabanggit na kaso ay desisyon sa nai-file ng kampo ni Vhong ng Petition for Review on Certiorari.

Na-grant ng Supreme Court ang petition na iyun na ipinapa-dismiss na nila ang informations for Rape at Acts of Lasciviousness na isinampa laban sa aktor at host ng It’s Showtime.

Kaya hindi na itutuloy ang hearing dahil mismong ang Supreme Court na ang nagbaba ng desisyong ibasura na ito.

Kung hindi siya nakapag-bail noong December, ngayong March pa lang sana siya nakalabas.

Marami ang natuwa sa pangyayaring ito, at dinagsa ng mga mensaheng masaya silang lahat para kay Vhong dahil nakamit na nito ang totoong kalayaan. Pero may mga ilan pa ring namba-bash at patuloy pa ring inaakusahan si Vhong.

Samantala, nasa Amerika naman si Liza para ipagpatuloy ang kanyang pagsubok sa Hollywood.

Sabi naman niya kay Kuya Boy na kung hindi man siya magtagumpay dito, at least nasubukan at hindi niya pagsisihan habang-buhay na hindi niya ginawa ang gusto niyang gawin para sa kanyang career.

Tama naman. Pero nakakawindang lang itong ipinatayong management team ni James Reid na Careless na bakit parang ang nega ng dating.

Nung umalis siya sa Viva at nag-put up ng sariling kumpanya - record label at management team, idinamay niya si Nadine Lustre. Sumunod   si Nadine at ipinamahala ang kanyang recording career.

Inabot lang ng demandahan sa Viva, at ang ending bumalik pa rin si Nadine sa kanyang mother studio at muling bumongga ang career at naging box-office queen nung nakaraang Metro Manila Film Festival.

Ngayon ay si Liza ang hinawakan uli ng kum­panya ni James na naging negatibo naman ang dating.

Naging careless ba ang pag-handle ng Careless ni James Reid?

Kokoy at Royce, handa ulit mag-BL

Ang saya nang interview ni Paolo Contis sa kanyang Just In vlog kina Kokoy de Santos at Royce Cabrera, na kung saan binalikan nila ang experience nilang dalawa nung ginawa nila ang Fuccbois ng namayapang direktor Eduardo Roy Jr.

Nakatsikahan namin sina Kokoy at Royce sa nakaraang mediacon ng The Write One at natuwa rin daw sila sa interbyuhang iyun kay Paolo.

Parang sa inuman lang daw na usapan, sabi ni Kokoy.

Tinanong namin ang dalawa, kung sakaling mabigyan sila ng magandang project na isang BL movie, okay lang ba?

“Ako naman open. Kahit ano man yan, trabaho yan, lalo na’t kung ikaw ang kasama, sakali. GMA ang tanungin nyo dyan,” mabilis na sagot sa amin ni Kokoy.

“Pareho rin ako,” pakli ni Royce.

“Pero lagi nga naming sinasabi, siyempre under na kami ng GMA, may mga bagay na kailangang ilatag sa kanila,” dagdag niyang pahayag.

Magkasama sina Kokoy at Royce sa The Write One na magsisimula na sa GMA Telebabad sa March 20.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with