^

PSN Showbiz

Beteranang aktres, kaboses ng gay stand-up comedian nang mag-lip sync

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Boses bading daw ang isang veteran actress nang kumanta sa isang production number sa isang event kamakailan.

Obvious na nag-lip sync lang si veteran actress.

Sabi ng mga nakapakinig ng kanta, kaboses niya ang isang bading na stand-up comedian at nanggagaya sa isang showbiz talk show noong araw.

Nang makita namin ang bading na stand-up comedian, tinanong namin siya kung boses ba talaga niya ‘yon, pero hindi raw. Actually, nakita rin daw siya ni veteran actress at inusisa siya tungkol doon, pero nag-deny nga raw siya.

Isko, bumawi sa billing ng mom poster

Ngayon ang grand media conference ng Martyr or Murderer ng Viva Films at pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Isko Moreno at iba pa.
Bukod sa mga artista ng pelikula, aabangan tiyak ang isasagot ng MOM sa mga intriga ng ibang mga personalidad na kasali sa katapat nilang pelikula na Oras de Peligro, pati ang isa pang pelikula na pinagbibidahan ni JK Labajo.

Teka! Sinu-sino kaya sa mga artista ng Martyr or Murderer ang nasa presscon mamaya? Si Ella raw, nasa ibang bansa. Ang dinig ko, may shoo­ting naman si Diego, maipagpaalam kaya siya para makasipot naman sa presscon?

Si Isko, darating na kaya mamaya? Bongga na ang billing niya sa poster ng pelikula, nasa second line na sa taas ng title at solo, huh!

Well...

Angeline, bitbit ang partner at anak sa pakikipag-bonding sa mga kaibigan

Ang bongga talaga ni Angeline Quinto pagda­ting sa pakikipagkaibigan.

Puring-puri siya ng balikbayan-friend namin na si Vina Verastigue na malapit din kay Angeline.

Kapag nasa Los Angeles, California si Angeline, palagi silang magkasama ni Ate Vina.

Sabi ni Ate Vina, pinuntahan pa raw siya ni Angeline sa may Rockwell at nag-spend ito ng ilang oras sa kanya.

Kasama pa ni Angeline ang kanyang Baby Sylvio at lovey-dovey na si Nonrev Daquina.

So nice... ‘Yun na!

vuukle comment

AKTRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with