^

PSN Showbiz

Singer-actress, bokya na naman sa foreigner bf

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Naku, Ateng Salve, may nagchika sa akin na hiwalay na naman pala si singer-actress sa foreigner boyfriend niya.

Akala ko pa naman magwo-work na ang LDR (long distance relationship) kay singer-actress this time, pero bokya pa rin pala siya.

Isang malapit kay singer-actress ang nagkuwento sa akin na hiwalay na nga raw ito sa karelasyon na taga-ibang bansa.

“She doesn’t talk about him anymore. Hiwalay na sila,” chika ng friend ni singer-actress.

Tsk... tsk... tsk...

Bakit hindi na lang kasi maghanap ng taga-’Pinas din si singer-actress para mas ok dahil hindi nga effective sa kanya ang LDR?

Anyway, may balak naman si singer-actress na magpabalik-balik dito at sa Amerika dahil ang alam ko ay nag-apply na siya ng green card, kaya kung type talaga niya ang foreigner na boyfriend, siguro kapag approved na ang immigrant status niya roon ay puwede na siyang maghanap ng American boyfriend, ‘noh?!

What do you think, Ateng Salve?

Isasama sa peligro...

Sa presscon ng Oras de Peligro ay inusisa ko si Cherry Pie Picache kung iimbitahan ba niya ang boyfriend na si Edu Manzano sa kanilang premiere?

Sa una ay umiwas ang aktres na sagutin ‘yon at biglang nag-plug na March 1 ang opening day nila sa mga sinehan.

Pero siyempre, nahimasmasan yata si Cherry Pie at baka intrigahin pa ang relasyon nila, kaya biglang nagpahabol siya ng sagot na siyempre ay iimbitahan niya ang boyfriend na pumunta sa kanilang premiere night.

Sabi ko nga kay Cherry Pie, mabuti at nilinaw niya dahil baka may mga magkalat na naman na hindi okey ang relasyon nila, huh!

Ang Oras de Peligro ang katapat ng Martyr or Murderer ni Direk Darryl Yap, pero ayon kay Direk Joel Lamangan, hindi siya ang tumapat sa pelikula ng Viva Films.

Nauna raw siya sa March 1 playdate at dapat ay Feb. 22 ang playdate ng Martyr or Murderer at si Direk Darryl daw ang tumapat sa kanila.

Bongga!

Regine, ‘di basta makakabog

Selling like hotcakes ang tickets sa Solo concert series ni Regine Velasquez-Alcasid on Feb. 17, 18, 24 & 25 sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati.

Tama ba na sold out na ang Feb. 17 & 18 shows? Well, hindi naman nakakapagtaka dahil Regine ‘yan! Kumbaga, Regine is Regine kahit pa nga marami nang mga bagong sumisikat na female singers.

Hindi basta makakabog ang misis ni Ogie Alcasid.

And in fairness, aminado naman ang maraming mga singer sa bagay na ‘yan.

‘Yun na!

vuukle comment

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with