^

PSN Showbiz

Ruffa imeldific ang galawan sa 11 carats na hikaw

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa imeldific ang galawan sa 11 carats na hikaw
Ruffa Gutierrez

Alam mo, Ateng Salve, very “Imeldific” talaga ang dating ni Ruffa Gutierrez noong isang hapon sa media conference ng pelikulang Martyr or Murderer ng Viva Films.

Siya pa rin nga ang gumaganap bilang Madame Imelda Romualdez-Marcos sa part two ng Maid in Malacañang ni Direk Darryl Yap.

Nang rumarampa na siya sa red carpet, marami talaga ang nagtanong sa akin tungkol sa mga alahas niya na sobrang gaganda raw. Ang broadsheet editor na si Tessa Mauricio-Arriola, pansin na pansin ang mga hikaw niya at puring-puri niya ‘yon dahil ang kislap-kislap daw, huh!

Tinanong ko nga si Ruffa tungkol doon at naaliw lang siya na pati ‘yon ay napansin ng mga nasa presscon ng kanilang pelikula.

Nang tanungin ko naman si Annabelle Rama (tinawagan ko siya), hindi raw siya sure kung kanya ‘yon o kay Ruffa. “Papunta ako riyan, malalaman ko,” sey ni Bisaya.

Nang matapos ang presscon at magkakuwentuhan kami ni Bisaya, nasabi niya na, “’Yan ‘yung hikaw na ibinigay ko kay Ruffa para isuot niya sa birthday ni Eduardo (Eddie Gutierrez). Ang tagal na sa akin ‘yang hikaw na ‘yan, pati itong heart-shaped na suot ko. Nakita ko lang sa safe (kaha de yero) noong naghahanap ako ng puwedeng gamitin sa birthday ni Eduardo.

“Nang makita ko nga, naisip ko na bagay na bagay kay Ruffa, kaya ibinigay ko sa kanya. At least, napansin ang at marami ang nagsasabing bagay talaga na siya ang gumanap na Imelda.”

May kasama si Bisaya na kaibigan niya, kaya kinulit siya kung ilang carat ‘yon? “5 1/2,” sey ni Bisaya at komento ng kaibigan niya, “Kaya pala pansin na pansin.”

In fairness, very cooperative si Bisaya pagdating sa mga alahas na kailangang isuot ni Ruffa sa mga eksena niya sa Martyr or Murderer.

Bongga!

Anyway, sa March 1 na ang showing sa mga sinehan ng Martyr or Murderer!

Pops, nasabik kay Christopher!

Si Pops Fernandez at Christopher de Leon sa ABS-CBN compound noong Thursday night.

Nagkasabay sila roon para sa taping ng Anim na Dekada... Nag-iisang Vilma! ang TV special ni Ms. Vilma Santos-Recto na kinunan sa Dolphy Theater.

Sabi ni Pops, nagtatakbo raw siya nang makita niya si Christopher dahil gusto niyang magpa-picture sa premyadong aktor. Kaya’t sobrang proud ang Concert Queen na nakapagpa-picture sa mister ni Sandy Andolong.

Anyway, natuwa ang mga fan ni Pops nang malamang pareho silang guest ng ex-husband niyang si Martin Nievera sa Louie Ocampo: Composer Ka Lang... The Valentine Concert sa The Theater at Solaire on Feb. 14 & 15. Bale special participation sila roon pati si Ms. Joey Albert.

Hiling ng fans nina Pops at Martin na sana ay may duet ang dalawa sa nasabing concert.

May isang tinanong ako, pero ayaw pang magsalita.

After that concert, paghahandaan na ni Pops ang pagbalik sa Amerika para sa ilang shows nila roon nina Kuh Ledesma at Jaya.

Ang bongga lang talaga at sobrang busy pa rin ni Pops sa concert scene, huh! May pagkakataon kasi na ayaw na niyang masyadong mag-show pero lately nga, sobrang busy uli siya.

‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with