^

PSN Showbiz

‘Parang ferris wheel ang buhay’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naisip ko, Salve, na talagang parang ferris wheel ang buhay. Minsan nasa itaas ka, malusog, masaya, walang problema.

Pero minsan naman, nasa ibaba ka at parang nawala lahat ng dati ay tinatamasa mo.

Ang hirap ‘pag ganun, kasi wala nang pinakakawawa kundi ang isang tao na dati tinitingala mo ngayon ay parang hirap sa buhay. Ang sakit ng dati ikaw ang tinitingala tapos ngayon parang hindi ka na pansin.

Sana huwag itong mangyari sa sinuman dahil napaka-pathetic ‘pag ganyan ang nangyari sa buhay mo.

Dapat lang na maging maayos ang buhay mo para hindi ganito ang mangyari.

Mag-ipon habang kumikita nang mahusay, huwag mabuhay nang beyond sa kaya mo. Huwag gumastos nang sobra.

Napakadali ng pera kaya dapat ingatan. Huwag maging one-day millionaire.

Ysabel, may potential maging big star

Maganda ang rehistro at acting ni Ysabel Ortega. Talagang mararam­daman mo ang kilig sa tambalan nila ni Miguel Tanfelix.

Kaya naman ang dami nang naghihintay ng Voltes 5.

Sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagsikat at pag-angat ng career ni Ysabel.

Dahil ito ang dream niya mula pagkabata, ang maging malaking star.

vuukle comment

FERRIS WHEEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with