^

PSN Showbiz

Piolo, natutong maging generous kay Regine

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo, natutong maging generous kay Regine
Piolo
STAR/ File

Labinglimang taon na ang nakalilipas nang magkatambal sina Regine Velasquez at Piolo Pascual sa pelikulang Paano Kita Iibigin ng Star Cinema at Viva Films.

Si Joyce Bernal ang naging direktor ng dalawa sa huling proyektong pinagsamahan.

Ayon kay Piolo ay talagang nakaram­dam siya noon nang pagkailang sa Asia’s Songbird. “Nakailang movies na sila ni Joyce eh, kumbaga tested na sila then coming into film, I was really shy because that’s freaking Regine Velasquez. So hiyang-hiya talaga ako kahit na nag-TV guestings kami but I was intimidated at first because nga sa kalakihan niya as a celebrity. But she was really helpful,” pagtatapat ni Piolo.

Hinding-hindi raw makalilimutan ng aktor ang pagiging mapagbigay ni Regine sa mga kasamahan sa trabaho. Sa katunayan ay ginagawa na rin ni Piolo ang nasaksihan noon sa singer-actress. “If there’s one thing I really appreciate about Reg (tawag ni Piolo kay Regine) is her compassionate heart and very caring and very attentive. And if there is one thing that I learned from her, during the last day, may duma­ting na truck, truck load of different appliances (sa set). Sabi ko, ‘Saan galing ‘yan?’ ‘Kay Ms. Reg po, pa-last day.’ So walang umuwing luhaan. That’s one trait that I’ve been practicing na nakuha ko kay Reg. ‘Yung pagiging napaka-giving, napaka-generous niyan. So ever since then lahat ng pelikula ko ay pina-practice ko na ‘yan. We only did one film but we have a fans club, ‘yung mga PioGine fans. So maraming-maraming salamat,” nakangiting pahayag ng aktor.

Belle, emosyonal sa bagong pelikula

Naging emosyonal si Belle Mariano nang mapanood ang full trailer ng pelikulang An Inconvenient Love na pinagbibidahan nila ni Donny Pangilinan. Ayon sa aktres ay talagang naging sulit naman ang lahat ng kanilang pinagpaguran para sa naturang proyekto. “Naalala ko lahat ng pinagdaanan namin sa shoot, everything. Guys, we have a movie and I’m so proud of us. Love you, guys,” naluluhang pahayag ni Belle.

Ang An Inconvenient Love ay kauna-unahang pelikula ng Star Cinema na ipalalabas sa sinehan mula nang magkaroon ng pandemya. Mapapanood na simula Nov. 23 ang naturang pelikula. Kahit nakararamdam ng pressure ay sinisiguro naman nina Belle at Donny na talagang magiging masaya ang kanilang mga tagahanga dahil sa kanilang bagong proyekto. “The pressure is always there naman. But what is important is that we give our best and we put our hearts to what we do so that we give our supporters what they deserve,” giit ni Belle.

“Saka na namin iisipin kung ano ‘yung mga dapat i-meet. Basta ito, ang alam ko, we gave our best. We will continue to do that. If we are able to put a smile on their faces, have them enjoy the material then all of it will be worth it,” dagdag naman ni Donny. (Reports from JCC)

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with